Abante Tonite Interactive

Kate Hudson may bagong clothing brand

253

Flopped man minsan ang pinagbibidahan niyang pelikula’y maituturing at nanatili pa ring fashion star ang Hollywood actress na si Kate Hudson.

Kung bakit at paano? Ito ay dahil sa may bago at sarili na naman itong clothing brand.

Kamakailan lang ay inilunsad ng American actress ang kanyang sustainable fashion brand na Happy x Nature na isang RTW o ready-to-wear brand.

Ang presyo nito ay nagri-range sa $50 hanggang $200 o mula P2,600 hanggang P10,000.

Habang ang kanyang label ay nakatuon sa mga eco-friendly fashio­n line na may bohemian vibe.

Sa Instagram account ng aktres na naging tanyag sa kanyang pag-arte sa pelikulang Almost Perfect ay naka-display ang iba’t ibang klase ng damit na kanyang ibinibenta gaya ng skirts, dres­ses at jeans.

Nauna rito’y nakapaglunsad na rin ng kanyang Fabletics clothing brand si Kates noong 2013. Tampok sa kanyang active wear ang leggings, sports bras at swimwear.