Abante Tonite Interactive

Kate Spade may suicide note

By
2,456

Iniimbestigahan kung bakit nagpakamatay ang icon designer na si Kate Spade sa edad 55.

Kinumpirma ng law enforcement na may iniwang note si Kate na naka-address sa kanyang anak… telling the 13-year-old the suicide wasn’t her fault. Housekeeper ang nakakita sa bangkay ng icon desig­ner kung saan ang ginamit na pangbigti sa sarili ay isang scarf na itinali sa bedroom door knob. Hindi pa pinapaalam ng NYPD kung ano ang nilalaman ng suicide note ng icon designer.

Si Kate ay isang sikat na designer, iniwan ang trabaho sa isang fashion magazine, Mademoiselle, para magtayo ng sariling handbag company kung saan milyon-milyon ang kinikita. Ang huling in-atten­dan ni Spade na may koneksyon sa kanyang work ay ang AOL Build Series para i-discuss ang latest project niya para sa Frances Valentine sa Build Studio last April 28, 2017.

Abante Hiring – IT dep

Kate Brosnahan ang kanyang real name na pinanganak sa Kansas City, Missouri, U.S.A. 1985 nang mag-graduate siya ng journalism sa Arizona State University.

1993 nang i-launch niya ang Kate Spade New York na ang setting out ay ang pagde-design ng perfect handbag. Siya at ang asawang si Andy Spade (kapatid ng actor na si David Spade) ay nagtayo ng negosyo sa umpisang puhunan na 401K. Na-feature ang kanilang handbag company sa New York Times nu’ng 1999.

Nag-expand ang kanilang kompanya into a global lifestyle brand kasama na ang home décor, clothing at shoes idagdag pa ang mga co­lorful handbag at accessory na kinagigiliwan ng kanilang mga client. Sabi nga ni Kate nu’ng ma-feature siya sa TIME 2004, “I don’t think you need to neglect the style of something that’s functional.”

2006 napagkasunduan ng mag-asawa na ibenta ang kompanya. Sampung taon ang lumipas muli silang bumalik sa fa­shion business. The couple launched a new line, Frances Valentine na hango sa pangalan ng kanilang anak, who is 13 years old already.

Naiwan ni Spade ang kanyang asawa at ang kaisa-isang anak na si Frances Beatrix Spade.