Abante Tonite Interactive

Kathleen todo harutan kay Derrick

0 254

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Ang buong fuerza ng sang­kabekihan, damang-dama ko na maaaring may pagbabanta kay Ms. Manila Kathleen Paton dahil nga may lantarang lambingan sila ni Derrick Monas­terio sa isang social media site.

May apat na M itong si Paton kaya hindi pwedeng i-the WHO – maganda, maalindog, matalino at higit sa lahat, may beauty titles kahit pa nga sabihin mong super minor, minor ang mga ito.

Ang mga bekibel, parang may balak na galusan, if not gurlisan, o kaya ay kurutin ito sa singit para magtanda at layuan si Mo­nasterio. Agad-agad, babaeng bubog na ang turing sa kanya.

Ang dalagang hobby ay archery, ito na nga kaya ang pumana sa puso ni Derrick?

Sa kanilang social media exchanges, ang drama ni girl, “Hey boy, your body reminds me of McDonalds, cause I’m lovin’ it! 😂 #lol” at may emote pa itong “@derrickmonasterio I love you.”

Kung saan mapupunta ang I love you na iyan, tanging ang mga Pulis Pangkalawakan lang ang may alam. Sa true lang, bagay naman sila ni Derrick, isang maganda, isang young macho papa. Kung ang pagsasamang ito ay para sa isang endorsement, bongga for both of them. Kung after this shoot eh may eksenang they are getting to know each other, wala namang masama. Huwag nga lang magpapahara-hara si Kathleen sa kung saan-saan. At baka may baklang malakas ang loob na mabuhukan siya. Charot! Hahahaha!

Greta ‘di kawalan sa reunion

Malaking bagay ba kung wala si Gretchen Barretto sa reunion ng “GMA Supershow” hosts? Nangyari na ang reunion. Kung pagbabasehan ang mga larawan at ang panayam sa kanila, masaya ang kanilang muling pagsasama-sama.

Kaya, kataka-taka at kakahibang kung bakit may ilan na gumagawa ng mga nonsensical balita patungkol sa hindi pagdalo ni La Greta. Obviously hindi naman siya kawalan sa reunion.

At may chance na dahil wala siya, in true Pinoy kauga­lian, naging subject siya of one or two conversations tapos forgotten na dahil it was an opportune time for these women na minsang kasama ni the late German Moreno bilang mga co-host.

Hindi lang naman si Barretto ang hindi dumalo. Wala rin si Sharon Cuneta at Zsa Zsa Padilla. Eh bakit sa dalawa, walang masyadong nagtataka?

Sino ba ang may pakana sa reunion? Hindi ba si Dawn Zulueta? Mananalig ba tayo na hanggang ngayon ay may invisible war pa sila ni Gretchen? Eh si Cuneta, may paniniwala ba tayo na hanggang ngayon, hindi pa rin sila comfortable to be in one room knowing the fact na one time in their loves, ­unang naging kay Zulueta si Richard Gomez bago ­napunta kay Sharon? Bagong-bago naman ang mga iyan at ‘di kapani-paniwala na after all these years, eh may ­emotional grudges pa rin sila, huh!

Kung si Kuya Germs ay nabubuhay pa, walang dudang ikalulugod niya ang pagsasamang muli ng kanyang mga ghels.

Maine-Arjo big deal ang pagtatagpo sa Tate

Dahil nasa America ngayon sina Maine Mendoza at Arjo Atayde, marami ang mga abanger kung magtatagpo ang magkasintahan (?).

Ang Philippine Sweetheart ay nasa Nueva York, sa house ng lipstick brand kung saan may bago na naman siyang shade na katulong na i-develop.

Ang one of the best actors of his generation, si Atayde naman ay kasama sa show ni Maja Salvador sa Virginia.

Kung sakaling lilipad si Arjo papunta kay Mendoza sa New York matapos ang kanyang commitment sa concert ni Salvador, wala namang masama du’n, hindi ba? Pagpapatotoo lang ‘yun na gusto niyang mag-spend ng quality time with his lady love.

Kung hindi man siya sumunod, hindi rin dapat gawing issue dahil kahit pa nga exclusively ­dating silang dalawa, they still have their individual lives. May tamang panahon at pagkakataon para ­silang dalawa ay magsama.

Malay mo, malay ko, malay nating lahat, maging totoo ang chika na they have their eyes set for Iceland? Ay, mas bongga kung doon sila pupunta, mas marami silang adventures na kanilang-kanila lang talaga.

Pops ligwak na Concert Queen?

May mga hitad na nagtatanong sa diva that you love tungkol sa IG message ni Pops Fernandez para kay Martin ­Nievera.

Unless nakatira kayo sa kuweba, dapat alam niyong Pops and Martin were husband and wife, ikinasal, nagka-anak, nagka-bitter separation at ngayon, magkaibigan na ang Concert King at Concert Queen.

Si Nievera, maintained ang pagiging Concert King, si Fernandez, well, hindi ko alam hanggang ngayon bakit siya nabigyan ng title dahil nga alam naman na­ting lahat na ang kanyang vocal pipes ay hindi pang-Regine Velasquez, mas lalong hindi pang-Lea Salonga, pwedeng pumantay kay Jaya at kabugin si Jessa Zaragosa.

Bagama’t may mga nagsasabi na ligwak na siya sa ­title niya, marami pa rin ang nanalig na siya pa rin ­talaga ang Concert Queen.

Back to the letter, wa ako masyadong reaksyon sa sulat kasi nga, hindi kami close at ang bottomline lang naman nito, after all that has been said and done, ­dalawa ang constant sa buhay nila, na parents sila nina Robin at Ram and bilang magkaibigan, is a good place for them both.