Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KathNiel 2 bet maging anak

0 50

Very candid ang naging conversation ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa latest vlog ng Asia’s Emerging Superstar.

Noon pa kinakaray ni Kathryn na mag-guest ang kanyang nobyo sa kanyang vlog at first time napapapayag si DJ.

May inihanda siyang mga katanungan sa episode na “Questions I Have Never Asked my Boyfriend.”

Game namang sumagot si Daniel sa mga katanungan ng kanyang sweetheart.

Isa sa mga naitanong ay kung may pagsisisi raw ba ang binata na maaga siyang nag-girlfriend at nag-commit sa relasyon nila ni Kath.

Ayon kay DJ, wala raw siyang regrets kung maaga mang naibigay sa kanya ang babaeng minamahal niya.

Dagdag pa niya, kahit naman noong naging magkarelasyon na sila, nagagawa rin naman niya ang mga bagay na gusto niya bago pa man sila nagkaroon ng relasyon.

Tinanong din ni Kathryn kung nao-offend daw ba ito kung tinatanong o kinukulit sila ng mga tao kung kailan sila pakakasal ? Lalo’t ang tugon niya lagi ay “matagal pa at hindi pa kami ready.”

Sey naman ni DJ, hindi raw siya napipikon lalo na’t siya man ay ayaw niyang madaliin ang lahat.

Paliwanag naman ni Kath, alam daw niyang naiintindihan siya ng boyfie dahil marami pa siyang gustong gawin sa kanyang buhay at karera.

Sa parteng ito, bumuwelo si DJ at nagpaalala kay Kath.

“Pero wag rin tayo mali-late. Yun lang yung sakin. Alam mo na yung sinabi ko sa ‘yo. Na minsan madami kang gustong gawin pero hindi mo napapansin na napag-iwanan ka na,” ani Daniel.

Sa tinurang ito, ibinaling naman ni DJ ang kanyang atensyon sa viewers.

“Tandaan niyo ‘yan, minsan puro na lang tayo. ‘Gusto natin to, gusto pa natin to.’ Magigising ka na lang, naiwanan na ako,” makahulugan niyang pahayag.

Sa pag-uusap din ng magdyowa, nasabi nilang kung magkakatuluyan sila ay dalawa ang gusto nilang maging anak.

Janine, Rayver keber sa tapatan ng show

Naging argumento sa ASAP kung sino ang mas malambing sa kanilang mga dyowa: ang babae ba o lalake.

Itinayo ni Janine Gutierrez ang bandila ng mga kababaihan samantalang iginiit naman ni Martin Nievera na mas malambing ang kalalakihan.

Ani Janine, mas maalaga raw kasi ang mga babae so ibig sabihin ay todo asikaso niya ang dyowang si Rayver Cruz.

Speaking of Rayver, madalas daw ay niyayaya siya nitong magTiktok pero ayaw raw niya itong sabayan.

Naiisip daw niya kasi ang galing sa pagsayaw ng nobyo, nai-intimidate raw siya.

Para rin sa aktres, hindi rin isyu ang tapatan ng shows nila ni Rayver tuwing Linggo.

Naniniwala kasi siyang bahagi ito ng healthy competition.

Joshua wala pang pinalit kay Julia

Marami pa raw kakaining bigas si Joshua Garcia pagdating sa hosting. Ito’y dahil hindi siya mukhang kumportable sa kanyang ginagawa.

Pagtatanggol naman ng iba, basically shy daw kasi si Josh at kailangan lang i-boost ang confidence.

Ang exposure raw niya na ito sa show ay paghahanda sa iba pang posibilidad sa kanyang career lalo’t lansag na ang love team nila ni Julia.

Sa ASAP, inamin mismo ni Joshua na single siya sa ngayon at wala siyang ka-date noong Valentine’s Day.

Sey pa niya, naniniwala raw siya sa second chances although hindi malinaw kung naiisip ba niya kung may tsansa pa ang balikan ng romansa nila ni Julia.

Leave A Reply

Your email address will not be published.