Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KathNiel ayaw ng live in

0 88

Kamakailan ay namataan sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na dumalo sa surprise engagement party ng former Pinoy Big Brother housemate Patrick Sugui and social media influencer Aeriel Garcia. Kaya naman ang malaking katanungan ng lahat ngayon ay kung susunod na rin ba ang KathNiel since 9 years na rin naman ang kanilang relasyon.

Pero ayon kay Daniel, hindi naman daw pwedeng biglain ang ganitong bagay at kailangan ay nakaplano.

“Hindi namin puwedeng biglain ‘yung mga ganyang bagay. Sa amin ha? Siyempre iba-iba naman ang trip ng lahat. Pero kami kasi parang nakaplano ‘yun, nakalista ‘yung mga dapat naming gawin para hindi rin kami ma-rattle sa mga decision na gagawin namin,” pahayag ni Daniel sa abs-cbn.com.

Dagdag pa ni DJ (palayaw ni Daniel), “kapag binigla niyo ‘yung isa’t isa, doon papasok ang mga problema. Kapag masyadong biglaan ang mga bagay, baka dun kami biglang magkaproblema. Nilalatag muna namin ang mga bagay, pinaplano namin.”

Ayon naman kay Kathryn, for now ay kuntento na lang daw muna silang maging bridesmaid at groomsman.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Chill muna tayo. May mga kaibigan kaming engaged. Duty namin maging best bridesmaid and groomsman muna. Iba din naman ‘yung age namin sa kanila. Like what DJ said kanina, iba-iba tayo ng timing lahat. Kami siguro komportable kami na bago tumalon sa ganyang klaseng buhay,kailangan ready kami. Ayaw namin na masira ‘yung relationship just because hindi kami ready pareho,” sey ni Kathryn.

Pero- pareho naman silang naniniwala na natagpuan na nila sa isa’t isa ang “the one.” Ayon kay Daniel, Kathryn makes him a better person at sabi naman ng aktres, hindi raw niya ma-imagine ang future niya without DJ.

Asked kung ready na ba silang magsama sa isang bahay, ayon kay Daniel ay kailangan muna nilang magpakasal bago nila gawin ito.

“Hindi pa siguro, hindi pa kami handa magsama sa isang bahay. Magpapakasal muna kami saka kami magsasama sa isang bahay dahil si Kathryn nandiyan pa si Lhexine (pamangkin ng aktres), bata pa si Lhexine. Siya ang ate nun. Binabantayan niya pa.

“Ako naman, nandiyan pa ‘yung mga kapatid kong babaita na binabantayan ko pa rin. Marami pa kaming mga bantayang magaganap. Magpapakasal muna kami,” he said.

Leave A Reply

Your email address will not be published.