Abante Tonite Interactive

KathNiel beach wedding 30 lang ang iimbitahin

709

Ang saya at nakakatuwang panoorin ng vlog ni Erich Gonzales sa YouTube na guest niya si Kathryn Bernardo.

Kita mong at home si Kath kay Erich at kaibigan ang tingin niya rito kaya naging very open sa kanyang mga sagot ang star ng “Hello, Love, Goodbye”.

Sa kanilang unrehearsed at very casual na interbyuhan ay nabanggit ni Kath na super gaan katrabaho ni Alden R­ichards na first time niyang nakasama sa movie ng Star Cinema.

Aniya, sobrang genuine ni Alden at hindi siya nahirapang maging kaibigan ito. He respects her, he respects her boyfriend Daniel Padilla at sobrang bait daw ng Kapuso actor.

Interesting pati ‘yung mga trivia na nakuha ni Erich kay Kath gaya ng meron itong 7 dogs, 1 cat, 1 hedgehog at gusto nitong magkaroon ng elephant.

Cute ‘yung chika ni Kath na fan girl din siya sa crush niyang si Ryan Gosling at sa “Wonder Woman” star na si Gal Gadot.

Natuwa kami sa fun fact na “Game of Thrones” fan pala ang Kapamilya actress at gusto niyang puntahan ‘yung mga locations na ginamit sa hit HBO series. Pareho palang “GoT” fan sina Kath at Erich, no wonder magkasundong-magkasundo sila.

Nabanggit ni Kath na gusto nilang mag-Sagada ng friend niyang si Ria Atayde kaya niyaya siya ni Erich na mag-hiking sila sa bundok.

Aminadong fitness jun-kie si Kath at mahilig siyang mag-workout gaya ng cycling, na naalala naming nakakaaliw ang kuwento ng “Hello, Love, Goodbye” co-stars niyang sina Lovely Abella at Kakai Bautista na niyaya niyang mag-cycling sa Hong Kong at hiningal ang mga ito sa pagod dahil intense pala si Kath sa cycling at pilates.

Mas bags ang gusto ni Kath kesa shoes at mga classic ang gusto niya dahil hindi naluluma. Favorite bag niya ‘yung bigay ni DJ na ito raw mismo ang pumili para sa kanya.

Siyempre pa, si DJ ang favorite travel buddy ni Kath dahil game daw ito sa lahat. Siya ang nag-aayos ng itinerary nila ‘pag nagbibiyahe sila.

Mahirap daw gisingin ang nobyo niya dahil hindi ito morning person at siya lang daw ang puwedeng gumising kay DJ, kaya hindi raw siya natutulog sa t­aping nila.

Inamin ni Kath na meron siyang insecurities pero natuto raw siyang i-embrace ang imperfections niyang ‘yon.

Medyo nagulat si Erich sa sagot ni Kath na ayaw nitong tumanda sa showbiz. Baka guesting na lang daw siguro ‘pag matanda na siya o kaya ay nagbi-bake na lang siya.

7 years na ang KathNiel kaya nag-agree si Kath sa sinabi ni Erich na may forever.

Beach wedding ang dream ni Kath bilang mahilig siya sa dagat, pero gusto niya ay intimate lang as in mga 30 people lang daw ang imbitado kaya natawa si Erich.

Sa tanong ni E­rich kung ready na si Kath to settle down sa edad nitong 23-anyo­s, ang sagot ng dalaga ay hindi pa.

Pero gusto raw niyang ma-engage at 26, tapos at 27 ay ikakasal na siya. Ayaw niya ng masyadong late dahil bakit pa raw kailangang p­atagalin?
Tatlong anak ang gusto ni Kath at isang ‘big yes’ ang sagot niya sa tanong ni Erich if she sees DJ in her future.

Ang sweet nu’ng linya ni Kath na wala na siyang ibang nakikita because DJ is her dream and reality guy.

She is at her happiest now kaya mas open na raw siya hindi gaya dati na merong wall at masyado siyang careful at takot siyang sumagot. Mas masaya raw pala ‘yung carefree, sabi ni Kath.

Ang goal pa raw niya ay mabigyan ng dream house ang mama niya. Magbubukas din pala sila ng business nila ni DJ na isang barber shop. Pangarap din ni Kath na magka-restaurant.

In fairness ay kinakarir talaga ni Erich ang kanyang vlog at sabi nga ni Kathryn ay very personal ito. Isa pa ay one-woman team daw dito si Erich dahil ito ang gumagawa ng lahat.

As of kahapon ay almost 400K na ang views ng interview ni Erich kay Kath. At sa 5 months ng kanyang YouTube channel ay more than 400K na ang kanyang subscribers.