Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KathNiel ginamit ni Joshua

0 55

ROMMEL PLACENTE: Sa latest post ni Joshua Garcia sa kanyang Instagram.account ay pinasalamatan niya ang mga kaibigang sina Sofia Andres, boyfriend na si Daniel Miranda, Ria Atayde, Pat Sugui, Aeriel Garcia, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ito ay dahil sinagip daw siya ng mga ito sa kalungkutan. Ito ‘yung time na nag- break sila ni Julia Barretto.

Ayon pa kay Joshua, mahalaga ang positive energy sa panahon ngayon at pagtatapos nito, nami-miss na niya ang kanyang mga kaibigan. Noong July nang mag-camping ang magbabarkada. Dahil sa post, umatake naman ang mga basher kay Joshua. Sarcastic ng komento ng isa, bakit highlighted sa post ang KathNiel.Ayon sa isa pa, user friendly umano si Joshua. Nakakatawa ang mga basher ni Joshua.Paano naman nila nasabing manggagamit si Joshua e,sikat din naman siya gaya nina Daniel.at Kathryn? At marami na siyang napatunayan mga ka-Cuatros di ba? Tumanggp na siya ng mga acting awards at mabenta bilang product endorser.

RODEL FERNANDO: Hindi na kailangan ni Joshua na manggamit o gamitin pa ang mga sikat niyang kaibigan. May sarili na siyang tatak. Tumigil na mga basher sa mga nagsasabing ginagamit niya sina Daniel at Kathryn para raw mapag-usapan siya. Hindi na kailangan ni Joshua ‘yun.

Sa totoo lang, dami na niya napatunayan bilang isang artista. May mga hit na movies siya at mga teleserye . Hindi siya starlet para sumakay sa kasikatan ng iba. Puwede pa nga na siya ang gamitin ng mga sumisikat at papasikat pa lang na mga bituin.

MILDRED BACUD: Hindi naman kasi alam ng iba na may namuong friendship sa KathNiel at kay Joshua 2016 pa. Nagkasama sila sa pelikulang Barcelona.

Mula lang nang maging magkarelasyon sina Julia at ang aktor no’ng 2017 ay parang dumistansya ito . May nakarating pa sa aming tsika na nagtampo ang KathNiel sa kaibigan. Pero April of 2019 nang maghiwalay ang JoshLia ay bumalik ang closeness.

Nang magkaroon ng show ang ASAP Natin ‘To sa Bay Area sa California at nakita nina Daniel at Kathryn ang aktor na nag-iisang kumakain sa isang table ay dinamayan nila ito.

Kasagsagan ito nu’ng mga panahong masakit pa kay Joshua ang break up nila ni Julia na naroon din sa nasabing event ng ASAP. Bumalik ang friendship ng tatlo lalo na nitomg pandemic. Sinama ng KathNiel ang aktor sa kanilang badminton club at nakakasama sa mga roadtrips at outings. Agree naman ako mga ka-Cuatros na Rommel at Rodel, hindi naman baguhan si Joshua para maki-ride on sa popularity ng KathNiel. Hello?

ROLDAN CASTRO: Nasa tamang barkada na ngayon si Joshua. Sana ay hindi na niya iwanan pag dumating ang panahong may kapalit na si Julia sa puso niya.

I-maintain na ng aktor ang pakikipagkaibigan sa tropang ‘yan dahil siguradong hindi siya maliligaw.

Tumigil na rin ang mga basher na ‘yan. Baliw lang ang magsasabing ginagamit ni Joshua ang KathNiel.

‘Yun lang!

Leave A Reply

Your email address will not be published.