Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KathNiel, JaDine damay: Liza pinakain ni Enrique ng siling labuyo

0 163

NI: ARCHIE LIAO

Pagkatapos nang ilang buwang hindi pagiging aktibo sa Youtube, bumalik sina Liza Soebrano at Enrique Gil sa kanilang vlog.

Maraming faney naman nila ang natuwa at nag-wish na gawing regular na ng loveteam ang kanilang channel.

Sa kanilang latest entry, sumalang sa kakaibang challenge ang dalawa sa episode na Time For Trivia: Filipino Movie & TV Shows Edition.

Nagpagalingan sila sa paghula sa mga pamagat ng mga ipinakitang litrato at clips na kuha sa Pinoy movies at TV shows.

Ilan sa mga hinulaan nila ay ang mga pelikula at TV shows nina Kathniel, JaDine, Vhong Navarro, Bea Alonzo, Angel Locsin, Vice Ganda at marami pang iba.

Naging kundisyon naman na ang matatalo ay kakain ng mga siling labuyo.

Sa challenge, nanalo si Liza dahil siya ang nakakuha ng pinakamaraming tamang sagot.

SM food to go Banner Ad

Pero dahil sa love team sila, sinamahan din ni Liza si Enrique sa pagkain ng mga siling labuyo.

Marami naman ang bumilib sa pagsuporta ng LizQuen sa ibang love team tulad ng KathNiel at JaDine Hindi raw nila masasagot ang mga tanong kung hindi rin nila tinatangkilik ang mga proyekto ng rival love teams.

Sa huling bahagi ng video, ipinakita ni Liza ang kanyang Gold play button sa Youtube at nagpasalamat siya sa lahat ng kanyang mga tagasuporta.

Ito naman ang ilan sa naging reaksyon ng kanilang mga faney.

“Finally!!! Congrats Hopie on your gold plaque! We’ve missed you both!”

“One thing that never changed is how they look at each other, look of love ❤️. Can’t wait for your next video!”

“You deserve that gold play button hopie we love you Congratulations Liza! I was so happy seeing your plaque. I also really enjoyed watching this vlog. I was playing along and tested myself too. It was really fun and it made me smile.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.