Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KathNiel keber maging jologs

0 249

Viral ang bagong video ni Kathryn Bernardo na na-upload sa kanyang vlog na “Everything Kath.”

Nag-late night food trip kasi ang Asia’s Superstar kasama ang dyowang si Daniel Padilla at ang mga kaibigang vloggers na sina Joe Vargas at Bianca Yanga.

Sa naturang video, naglibot sila sa Metro Manila para maghanap ng favorite Pinoy foods sa suhestiyon ng kanilang mga kaibigan.

Sa dakong La Loma,nag-stop sila para bumili ng chicharong bulaklak sa isang lechon store.

Walang takot na nilantakan nila ang crunchy chicharon at keber ang KathNiel kung magmukha sila dirty o jologs.

Next stop nila ay para maghanap ng popular na Christmas street food na “puto bumbong” na available all year round sa isang stall sa Quezon City.

Bukod sa tinikmang street food, nag-take out pa si Kath para ibaon.

Umani naman ng mga papuri at iba’t-ibang reaksyon ang latest entry ni Kath sa kanyang vlog.

Na-appreciate ng mga netizen ang pagiging walang kaere-ere at pagiging jologs ng magkasintahan .Keber kasi sila sa kanilang status bilang “superstars.”

Ito ang ilan sa mga komento ng mga netizen.

“I like that Kath is showing us how delicious and great our Filipino Foods here in the Philippines.”

“Kathryn being true to her intro of #EverydayKath “No script, no fuss, no pretense.” Look at her wearing a shirt, no makeup, messy hair. Plus, malalaking subo na parang walang camera.”

“One of the many reasons why I love Kathryn is that she always support local and she always promotes local businesses.”

“Kath’s bio in her YT channel is “just your average, Everyday Kath” & she means it. Hindi pa-celebrity, hindi pa-sosyal, sobrang natural lang. She values local shop & that’s something you can definitely admire on her. Continue being such an inspiration, Kath!”


Derek ,Ellen, live in na

Pagkatapos na magbigay ng pahayag sa isang panayam sa isang online news magazine ang hunk actor na si Derek Ramsay na si Ellen Adarna na ang “the one”niya, umani ito ng samu’t-saring reaksyon.

May mga natutuwa para sa pag-amin ng dalawa sa kanilang relasyon.

Parehas daw namang walang sabit ang bagong magdyowa at karapatan din naman nilang lumigaya.

Gayunpaman, higit sa natutuwa, mas marami naman ang nagnenega at nagtataas ng kilay.

Kasabay nito may bitchy netizens ding nang-iintriga na nagli-live in na umano ang dalawa.

Madalas kasi silang magkasama sa kanilang daily routines.

Mula paggising daw ay tila inseparable na sila.

Patunay pa rito ang recent “kulitan”moments sila sa toilet kung saan umanoý pinagdidiskusyunan nila ang paggamit ng isang electric toothbrush speaker system na gustong ipa-try sa kanila ni Yassi Pressman.

Hirit tuloy ng kibitzers, mega share na rin na ba sila ng toiletries like toothpaste, mouthwash at toothbrush sa nasabing room.

Sey naman ng ilan, since parehong liberated ang dalawa, hindi na rin naman big deal ang pakikipag-live in sa panahon ngayon.

Dagdag pa ng iba, kahit hindi raw mag-live in, malaya naman silang magpalipat-lipat ng bahay lalo pa’t neighbors naman sila.

May ilan ding nag-react sa term of endearment o tawag ni Derek kay Ellen na “love”at “bruha.”

Nakakaaliw raw ang huli dahil swak sa personalidad ng Cebuana actress bagamat kahit in jest o lambing lamang, opinyon ng ilan ay “demeaning” daw ito para sa ex ni John Lloyd.

Leave A Reply

Your email address will not be published.