Abante Tonite Interactive

KathNiel kinabog talaga ng KathDen

0 561

For the record ay ang “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na talaga ang highest-grossing Filipino movie of all time.

Medyo nagkaroon ng kalituhan dahil ayon sa entry noon sa Wikipedia ay umabot daw ng P900M+ ang kinita ng 2018 movie nina Kathryn at Daniel Padilla na “The Hows of Us”, ang dating may hawak ng nasabing record.

Ayon sa Star Cinema insider na nakausap namin, si Inang Olivia Lamasan na mismo ang nagsabi na ang official final figures ng “The Hows of Us” ay P805M worldwide.

Ang “Hello, Love, Goodbye” na showing pa rin sa ibang bansa at humahataw pa rin sa takilya ay umaabot na sa P881M+ ang worldwide gross.

Sey ng aming source, puwede pang maka-P885M o P890M worldwide ang KathDen movie, pero hindi na raw ito sasampa sa P900M. Mukhang imposible na raw ‘yon.

Nang i-check namin ang Wiki ay updated na ang data nito kung magkano ang totoong grosses ng “THOU” at “HLG”, so wala na sigurong kukuwestiyon pa sa record-breaking success ng Kathryn-Alden movie.

Ang dinig namin ay ang lakas din ng “HLG” sa Hong Kong kahit matindi ang nagaganap na kaguluhan doon.

Sayang at hindi natuloy, pero doon pala sana ang world premiere ng pelikula bilang sa HK ito kinunan ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Sabi ng isang friend namin na taga-Singapore, maging doon ay malakas ang movie at dalawang beses niya itong pinanood sa SG.

Ayon sa ulat ng The Hollywood Reporter, malaking rason ng global box-office earnings ng pelikula ay ang mahigit 10 million OFW’s around the world.

Sa nakaraang victory party ng “Hello, Love, Goodbye” ay namigay na raw ng bonus ang Star Cinema. Wala pang in-announce tungkol sa sequel dahil mahabang pagpaplano pa raw ulit ‘yon.

Mabuting tao si Gerald – Rayver

Sa birthday party ni Rayver Cruz nakunan ng controversial paparazzi shots sina Gerald Anderson at Julia Barretto, na nauwi sa tuluyang paghihiwalay nina Gerald at Bea Alonzo.

Kumbaga ay doon nagsimula ang lahat hanggang sa naging full blown showbiz controversy ang Bea-Gerald-Julia ‘love triangle’.

Parehong close kay Rayver sina Gerald at Julia, kaya ayaw niyang magsalita tungkol doon nang matsika namin siya sa mediacon ng “The Clash Season 2”.

Paano niya sinuportahan ang best friend niyang si Gerald sa masalimuot na isyung ‘yon na umani ito ng katakut-takot na bashing?

“Nandito naman ako palagi para sa kanya and mabuting tao si Ge. Kayang-kaya niya ‘yang mga ganyan. Ganu’n talaga ang buhay artista. Kung ayaw mong ma-bash, ‘di huwag ka na lang mag-artista,” natatawang pakli ni Rayver.

Nang i-follow up pa namin kung anong feeling niya du’n sa impression na sobrang playboy ng kaibigan niya ay umiwas na ang Kapuso hunk.

“Kagaya ng sabi ko kanina, mabuting tao si Gerald. Sobrang parang kapatid ko na ‘yon. So, hindi ko na kailangang sumagot pa sa gano’n.

“Ang tagal na no’n, huwag na nating ibalik. July 20 pa ‘yon!” bulalas ni Rayver, na tandang-tanda ang araw na ‘yon dahil birthday niya ‘yon.

Sila ni Julie Anne San Jose ang bagong hosts o kung tawagin ay “The Clash” Masters sa 2nd season ng original musical competition ng GMA.

JulieVer ang uniname nila ni Julie Anne, na nabuo sa weekly show nilang “Studio 7”, Ang bilis daw nilang nag-jibe ni Julie at natuwa ang mga tao sa tandem nila.

Naging close pa raw sila nito nang mag-show sila sa Brooklyn, New York kasama ang iba pang Kapuso stars. Nagulat din daw sila pareho na pinapanood pala sila ng mga tao at may following ang tambalan nila.

Natutuwa raw si Rayver na may chemistry sila ni Julie Anne, pero hindi raw threat ang JulieVer sa JanVer nila ni Janine Gutierrez.

Masaya raw silang magkatrabaho ni Julie, pero iba ‘yung personal sa trabaho. Ani Ray, sa tunay na buhay ay dapat alam mo kung sinong espesyal sa puso mo.

“Wala namang reason for her (Janine) to be threatened. Sa dinami-dami na nating projects na ginawa at sa tagal na sa industriya, alam na natin ‘yung ganyan-ganyan, ‘di ba?” napapangiting sey ng 30-anyos na actor-dancer-singer-host.

So kung single ngayon si Julie Anne, siya ay anong status niya?

“Dating kasi ako guys, eh. I’m dating Janine Gutierrez, eh. If I’m dating kasi a girl or Janine, si Janine lang ang dine-date ko,” pakyut na dayalog ni Rayver, na halatang naiilang pa rin ‘pag kinukulit tungkol sa relasyon nila ni Janine.

Naka-one year na pala si Ray sa GMA this September at sobra siyang thankful na mula nang pumirma siya sa Kapuso network ay tuloy-tuloy ang kanyang blessings.

Kaya pramis niyang ibibigay pa niya ang best niya at gagalingan pa raw niya.

Mas sobrang excited si Rayver kesa kinakabahan na sila ni Julie Anne ang hosts ng “The Clash Season 2” na magsisimula na sa September 21.

Pista ng Pelikulang Pilipino simula na

Literal na may fiesta ng Pinoy movies ngayon sa mga sinehan dahil sampung pelikula ang magbubukas today na walang kasabay na foreign films.

Patok sa katatawanan ang “The Panti Sisters”.

Medyo sexy at may kapangahasan ang “Cuddle Weather” habang maaksyon at madugo naman ang “Watch Me Kill”.

Ang saya-saya! Happy 100 years to Philippine cinema!