Abante Tonite Interactive

KathNiel, Kris, Vice, Coco humina ang hatak sa eleksyon

777

Nina Alwin Ignacio at RFC

Sa mga artista at may dugong artista, marami ang galak na galak at nagbubunyi sa panalo ni Isko Moreno bilang Mayor sa Manila.

Marami rin ang maligaya sa tagumpay ni Vico Sotto, anak nina Vic Sotto at Coney Reyes, na ngayon ay Alkalde na sa Pasig. Binuwag niya ang kay tagal na naghaharing-uri at inugatang mga Eusebio.

Abante Hiring – IT dep

No brainer ang pagkapanalo nina Alfred Vargas, Lucy Torres-Gomez, Yul Servo at Vilma Santos-Recto bilang mga Kongresista. May track record na kasi silang subok na matibay, subok na matatag at talagang natatanging ehemplo sa serbisyo publiko. Nanalo ring Gobernador si Daniel Fernando sa Bulacan; balik congressman ng Laguna si Dan Fernandez; si Precious Hipolito-Castelo bilang congresswoman ng 2nd Dist., QC. Wagi rin si Lani Mercado bilang Mayor ng Bacoor, Cavite.

Pinalad naman na maging Vice Governor si Imelda Papin ng Camarines Sur. Bagong alkalde naman ng Pola, Oriental Mindoro si Ina Alegre. Wagi rin si Direk Lino Cayetano bilang Mayor ng Taguig City. Naka-puwesto pa rin si Richard Gomez bilang alkalde ng Ormoc.

Wagi ring konsehal sina Hero Bautista (QC), Jhong Hilario (Makati), Charee Pineda (Valenzuela), Boy Christopher (Sto. Tomas, Batangas), Vandolph Quizon, Jomari Yllana, Ryan Yllana ng Parañaque, JC Parker ng Angeles City, at King Gutierrez sa Bacoor. Nahalal ding Provincial Board Member ng Rizal si Jestoni Alarcon at si Angelica Jones sa Laguna. Wala namang kalaban si Jolo Revilla bilang Vice Governor ng Cavite. Nanalo rin si Girlie ‘Maita’ Ejercito bilang Vice Mayor ng Pagsanjan.

Kiss of the Spider Bakla ang pag-endorso ni Queen Bayot Vice Ganda kay Joseph Estrada. Hindi pa rin nahatak ang mga batang Maynila para manalo si Erap. Naka-bawi naman siya kay Jhong Hilario sa Makati.

Natalo rin si Edu Manzano kahit may mga poster na itinaas ni Coco Martin ang kanyang kamay. Pero naging matagumpay siya kina Lito Lapid at sa party-list bearing the title of his longest running action drama. Si Yassi Pressman ang kasama niya sa political advertisement.

Ilan sa mga luhaan: ER Ejercito, Gary Estrada, Roderick Paulate, Monsour del Rosario, Richard Yap, Long Mejia, Dominic Ochoa, Rochelle Barrameda, Jeremy Marquez, Andrea del Rosario, Dagul, Jan Marini, Aileen Papin, Maricel Morales, Sheryl Cruz, Mark Lapid at Rommel Padilla. Humina ba ang panghatak ng kanyang anak na si Daniel Padilla at ang kasintahan nitong si Kathryn Bernardo pati na rin ang Queen Mother kuno na si Karla Estrada, ganu’n ba?

Ang inendorso ni Kris Aquino na si Bam ay laglag din sa Top 12 na partial at unofficial result sa Senado. Ganoon din ang sinapit nina Jinggoy Estrada at Freddie Aguilar. Pasok naman as of partial unofficial list for senator si Bong Revilla Jr.

Ang pinaka-importante sa lahat, binoto natin ang mga gusto natin. We put up a good fight. We won some. We lose some. Kung anuman ang susunod na kabanata sa buhay politikal nating lahat, dapat na mas maging matapang, matatag at handa tayo.