Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KathNiel, LizQuen, JaDine papalitan ng SethDrea, KyCine, MiKel

0 519

ROMMEL PLACENTE: Ang mga loveteam ay parang nagsusulputang kabute.

Nandiyan pa rin naman ang tambalan nina Daniel Padilla-Kathryn Bernardo, Liza Soberano-Enrique Gil, James Reid-Nadine Lustre at Alden Richards-Maine Mendoza.

Pero hayan at ang dami na ngang bagong tandem na naglabasan. Tulad ng loveteam nina Kelvin Miranda at Mikee Quintos. In fairness,tanggap sila ng mga fan ha? In fact, ang unang serye na pinagtambalan nila na ‘The Lost Recipe’ ay maganda ang feedback, bagay naman kasi ang dalawa. May chemistry sila. Nakabuo na naman ng bagong loveteam ang GMA 7. Hindi sila nagkamali na pagsamahin ang dalawa. Sana lang ay masundan ang ‘The Lost Recipe’. Bigyan sana uli sila ng show. Push pa more.

MILDRED BACUD: Lahat naman ay may katapusan. Ang malalaking loveteam natin ngayon ay nagkakaedad na rin kaya naman may mga bagong mag-partner na umuusbong.

Malaki ang potensyal ng SethDrea na papalit sa KathNiel. Solido kasi ang fan base nila. Mataas din ang rating ng mga show na magkasama sila. Ibig sabihin lang may following ang tambalan nila. Maganda rin ang relasyon nila on and off kaya hindi peke ang pinapakita nilang closeness. ‘Di ba katulad lang din ng KathNiel. Maging consistent lang talaga sila.

Kung sakaling magkagustuhan sila, gawin sana nila itong motivation at huwag hayaan maapektuhan ang kanilang loveteam. Naaalala ko mga ka-Cuatros sabi ng isang source sa akin dati bilib siya sa fan base ng McLisse noon na maihahambing niya nong pasimula pa lamang ang KathNiel pero napurnada mula nang magkarelasyon. Naapektuhan nang mag-break. Sa tingin ko di naman ito mangyayari sa SethDrea.

RODEL FERNANDO: Sa kabila ng pandemya ay may mga umuusbong pa ring loveteam na nagpapasaya sa mga tao. Sa dalawang loveteam na pinag uusapan ngayon ay mukhang aaarangkada ang Seth at Andrea kumpara sa Kelvin at Mikee. Kung may ABS-CBN nga lang ay sure na hit na ang teleserye nilang pagbibidahan. Pero in fairness naman kina Mikee at Kelvin ay hanep din ang kanilang chemistry dahil pinanood ang kanilang serye na ‘The Lost Recipe’. Patunay lamang na may K din ang kanilang loveteam.

May isa pang tambalan na magmula nang mag-hit ang kanilang afternoon serye ay hindi na rin sila binitiwan ng kanilang network. Sina Rita Daniela at Ken Chan. Sa totoo lang patok na patok ang tambalan nila mapa-TV at pelikula. Kung hindi lamang nagkaproblema ang taping ng kanilang bagong teleserye dahil sa COVID ay napapanood na sana ito sa Kapuso Network.

Anyway, lalahatin ko na ang mga sumikat at mga nagsulputang loveteam sa Philippine showbiz pero hanggang ngayon ay wala pang nakapantay sa Guy and Pip. Kahit sabihan pang iba na ang panahon ngayon ay nananatili pa rin ang katotohanan na walang nakahabol sa pambihirang record na ginawa nina Nora Aunor at Tirso Cruz III. Sinakop nila ang pelikula, radyo, telebisyon at musika.

ROLDAN CASTRO: Maraming potensyal na loveteam ngayon na posibleng umabante pagkatapos ng pandemya.

Nandiyan pa rin ang tambalang Kyle Echarri at Francine Diaz (KyCine) na sumasabay sa popularidad ng SethDrea.

May ibubuga pa ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Nagpaparamdam na rin ang loveteam nina Aljon Mendoza at Karina Bautista.

Mukhang may future rin ang tandem nina Grae Fernandez at Kira Balinger. Ang ganda rin ni Kira parang si Liza Soberano kaya posibleng sumunod sila yapak ng LizQuen.

Ngayon pa lang may mga bagong batch na papalit na sa AlDub, KathNiel, JaDine, LizQuen sa takdang panahon.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.