Abante Tonite Interactive

KathNiel masarap ang halikan

927
tonite-pak-allan-diones
Certified blockbuster ang KathNiel movie na ‘The Hows of Us’ na kasuluk­yang niyayanig ang takilya nationwide.
Noon lang ulit kami nanood sa Fisher Mall Cinema na puno ang sinehan mereseng LFS samantalang ‘pag nanonood kami roon, madalas ay mabibilang sa daliri ang laman ng sinehan.
In all fairness ay bet namin­ ang ‘THOU’, na ilang beses kaming pinaluha at hanggang­ sa dulo ay sige ang pag-crylaloo namin.
Mature kung mature at level up kung level up dito ang pinakasikat na loveteam ng Pilipinas, lalo na si Kathryn Bernardo na ang lutong magmura.
Bilib kami sa maturity rito ni Kathryn, na ilang beses hinalikan si Daniel Padilla at siya palagi ang nauuna. First time naming napanood ang KathNiel na nagli-live in na at nagsasama sa iisang bahay, kahit walang eksena na ikinasal silang dalawa.
Alam mong nagse-sex sila bilang nagsasama nga sila sa iisang bubong, pero never ipinakita na may love scene sila at napangatawanan ni Direk Cathy Garcia-Molina na wholesome pa rin ang da­lawa kahit ganu’n na ang tema ng pelikula. Gusto namin ‘yung cute sequence na nagtitimpi ang karakter ni Kath na si George at pinipigil nito ang panggigigil at pagnanasa sa karakter ni Daniel na si Primo. Ha! Ha!
Ang guwapo-guwapo naman kasi ni DJ at kikiligin ka talaga lalo na nu’ng gitarahin at kantahan nito si Kath ng, “Tumawid ka na baby…” (a la ‘Hanggang Kailan’ ng Orange & Lemons).
Ang sarap ng mga halikan ng magsyotang DJ at Kath, pero hindi ito sobra. Sapat lang, na hindi tamang-pakyut at hindi rin naman laplapan.
Totoo ‘yung sinabi ni Direk Cathy nu’ng presscon na pinatunayan dito ni Kathryn ang galing nito bilang aktres dahil ibinigay naman talaga ni direk ang mga dapat ibigay kay Kath.
     Pinakamagaling si Kathryn sa madamdaming eksena nila ni DJ sa ulan, na ang ganda ng delivery niya ng mahabang linya at hindi masakit sa tenga ang boses niya, hindi katulad sa mga nakaraan niyang pelikula na parang lagi siyang may sinusitis o barado ang ilong kapag nagdadayalog.
Klaro ang emotional litanya rito ni Kath at sakto ang bitaw ng hugot kahit kung tutuusin ay ang hirap ng eksenang ‘yon.
Ang ganda-ganda rin dito ni Kath, na hindi siya kinaila­ngang pasuotin ng wig na ugaling gawin ni Direk Cathy sa mga bida nito.
Mahaba lang na bagsak ang hair niya, na bagay na bagay sa kanya. Hindi gaya sa ‘Barcelona’ na kinulot-kulot pa ang buhok niya pero ang TH ng dating at pilit ang pagpapaka-mature.
In fairness ay kaakit-akit ang peg ni Kath sa eksenang natutulala si DJ sa kaseksihan niya sa suot niyang maiksing shorts at hinahangin-hangin ang kanyang pantaas.
Dati na kaming nagagalingan at bilib sa pagkaaktor ni Daniel, pero ngayon lang namin na-appreciate ang akting ni Kathryn.
We must say umaktres siya sa pelikulang ito. Ang hindi nagawa sa kanya ni Direk Olivia Lamasan sa ‘Barcelona’ ay napagtagumpayan ni Direk Cathy sa ‘The Hows of Us’!

Liza napag-iiwanan nina Kath, Nadine, Julia 

Sobra kaming natuwa for Kathryn dahil hindi na siya hanggang pakyut lang at finally ay napatunayan niyang may kaya pa siyang ibigay bilang aktres.
Napansin namin na nag-level up this year ang young leading ladies ng mga sikat na loveteam.
Si Nadine Lustre ng JaDine sa ‘Never Not Love You’, si Julia Barretto ng JoshLia sa ‘I Love You Hater’ at si Kathryn ng KathNiel sa ‘The Hows of Us’.
Ang tila napag-iwanan ay si Liza Soberano ng LizQuen, na magaling namang umarte pero kailangan na rin nitong mag-mature bilang aktres.
Kung tutuusin, ang pinakanapag-iwanan nilang lahat ay si Sarah Geronimo, na 30-anyos na pero naunahan pang mag-level up ng mga mas bata sa kanya na sina Nadine (24-anyos), Kathryn (22-anyos) at Julia (21-anyos).
Sa estadong ‘yon ni Sarah ay nakapako pa rin siya sa pa-safe na image na ni hindi puwedeng makipag-kissing scene sa kapareha niya.
Okey naman si Sarah sa ‘Miss Granny’ pero panay comedy na lang, samantalang ang lawak pa ng puwede niyang gawin bilang isang talented and versatile actress!