Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KathNiel may bagong ‘ baby’

0 345

May bagong baby ngayon ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ito ay ang bagong studio na regalo ni Mommy Min sa kanyang anak na si Kathryn.

Ani Mommy Min, matagal na raw nilang plinano ang pagpapatayo ng nasabing studio.

Kinuntsaba raw niya si Daniel, nobyo ng anak, sa construction ng nasabing proyekto para kay Kath noong pre-pandemic days pa.

Katunayan, tinulungan din daw siya ni DJ na kausapin ang interior designers ng nabanggit na studio.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Inilihim daw nila ito kay Kath dahil gusto nilang sorpresahin ito.

Ayon pa sa ina ng aktres, studio raw ang iniregalo niya kay Kath para may venue na ito para sa events tulad ng pictorials at commercial shoots.

Ito rin daw ang magiging venue ng TGIS, ang vlog ni Kathryn kung saan si Daniel ang director.

Sobra namang na-appreciate ni Kath ang surprise gift sa kanya ng ina kaya panay ang ‘OMG’ nito.

Sa kanyang followers, humingi naman ng suggestion si Kath kung anong ipapangalan sa bagong baby nila ni Daniel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.