Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KathNiel nakaburo ang career

0 524

Wala pang kasiguruhan sa mga proyekto nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo habang sarado ang ABS-CBN 2.

Nandiyan pa rin ang pandemya ng COVID-19 kaya napurnada rin ang pelikula nila sa Star Cinema.

Dedma muna ang KathNiel sa mga naudlot nilang proyekto.

Ayaw na rin muna nilang pag-usapan ang mga nakaplano nilang proyekto habang wala pang linaw ang situwasyon.

Sey ng mag-dyowa ay i-look forward muna na magkaroon ng vaccine sa COVID-19 at magbukas muli ang ABS-CBN 2.

“Paano tayo magpaplano kung wala pa namang ABS-CBN?,” sambit din ni Daniel sa ‘Star Magic Love From Home’ fan session livestream.

Feeling napilayan ang magdyowa ngayon .Pero pag okey na ang lahat willing silang bumalik sa trabaho. Nami-miss na rin daw nila ito.
Maraming KathNiel fan ang naghihintay na sa kanilang serye at pelikula. (RFC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.