Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KathNiel nambitin

0 198

NI: ARCHIE LIAO

Na-excite ang mga fan ng KathNiel nang malamang may bonggang dapat abangan sa screen partners at real-life sweethearts.

Marami rin kasi ang naka-miss sa pagsasama nila sa big screen pagkatapos ng matagumpay na pelikula nilang “The Hows of Us” kahit pa may web series silang “The House Arrest of Us” na napapanood sa online platform.

Kamakailan lang, muli silang natunghayan sa isang music video ng Ben & Ben.

Sa music video para sa awiting “Sa Susunod na Habang Buhay”, itinampok ang kuwento ng magkasintahan na na-stuck sa time loop kung saan sa kanilang pagpanaw ay lagi silang bumabalik sa kanilang unang pag-ibig.

Ang sumulat ng konsepto nito ay si Juan Miguel Severo na siya ring sumulat ng BL series na “Gaya sa Pelikula.”

Viral na ang bagong collaboration ng KathNiel at umani ng humigit kumulang na 2.5 million views ang nasabing music video.

Marami lang KathNiel fans ang nabitin dahil buong akala raw nila ay magsasama na ang kanilang mga idolo sa isang pelikula.

Para sa kanila, sabik na raw sila at napapanahon na muling magtambal ang phenomenal love team.

Speaking of their web series, may iba namang kibitzers na hindi feel na mapanood sila sa nagpapatawa dahil mas bet nila ang romantic drama para sa kanila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.