Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KathNiel naniniwalang soulmate

0 68

NI: VINIA VIVAR

Naniniwala sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na soulmates sila. Kumbaga, nakatakda sila para sa isa’t isa.

Sa video na in-upload ng Star Cinema sa YouTube ay makikitang naglaro ng game ang KathNiel called “The Boyfriend Tag Quiz” na may mga question si Kathryn para kay DJ.

Isa sa mga tanong ni Kath ay “do you think I’m your soulmate?”

Ang bilis ng sagot ni Daniel ng “yeah” na sinundan din naman ni Kathryn ng “yeah, me too” saka malambing na nag-cheek-to-cheek ang dalawa.

Sabi pa ni Kathryn, “ang soulmate, ibig sabihin, naka-destined for you, di ba? I think, planado siya ni God. Kung pa’no kami nagkakilala, ‘yung tamang oras.”

SM food to go Banner Ad

Sey niya pa kay Daniel, “so, you’re my soulmate.”

Dagdag pang paliwanag ng aktres, “Naniniwala ako sa soulmate kasi marami kang makikilala, but at the end of the day mayroong isang person parati na… ‘Yung iba nagwo-work sa kanila, like kami nag-work sa amin, but ‘yung iba, nakilala mo ang soulmate mo but at the wrong time, ang sad,” sey ni Kath.

Pag-ayon naman ni DJ, “minsan late, minsan maaga. Hindi ba, ganoon naman ‘yon? That’s love, man, wala tayong puwedeng sisihin.”

Nakitanong din ang kumukuha ng video kung mas gusto ba ni Daniel na makilala si Kathryn ng mas maaga o mas late at sagot ng aktor, “hindi, perfect ‘yung sa amin.”

Sey naman ni Kath, “17, 16” na ang tinutukoy ay ang edad nila ni DJ nang magkakilala sila.

“Perfect timing,” sey ni DJ.

Leave A Reply

Your email address will not be published.