Abante Tonite Interactive

KathNiel ‘officially together’ nang mahigit limang taon

By
392

tonite-pak-allan-dionesBet namin ang very sincere and honest answers nina Da­niel Padilla at Kathryn Bernardo sa mediacon ng bago nilang movie na ‘The Hows of Us’ kahapon.

Mas may laman na at may lalim sumagot ngayon ang dalawa, na diretso at hindi paliguy-ligoy, lalo na si Daniel.

Like aminado si Daniel na medyo hirap na silang magpakilig ngayon ni Kathryn, so kailangan nilang trabahuhin ‘yon with Direk Cathy Garcia-Molina.

Aniya, sa dami na kasi ng nagawa nila ni Kath at sa haba na rin ng relasyon nila ay iba ‘yung kilig nu’ng bago pa lang sila. Kaya para palabasin ‘yon ay nagre-reminisce daw siya nu’ng mga panahong kilig-kiligan pa siya.

Agree si Kath na may effort na silang magpakilig ngayon ni DJ. At saka mahirap daw talaga siyang pakiligin, so doon pumapasok ‘yung tulong ni Direk Cathy.

Pero hindi raw ibig sabihin nu’n ay nawala na ang love niya kay DJ. Ang tagal na raw kasi nila, so nagiging normal na sa kanila ‘yung para sa iba ay special pala.

Hindi na kagaya nu’ng first time na reaction nila sa isa’t isa. Dati kasi ay ang dali nilang ilabas ang nararamdaman nila.

Ngayon, nasanay na raw kasi si Kath sa gano’n lalo na’t napaka-sweet ni DJ. So, normal daw ‘yon in a good way, kasi grabe siya kung i-baby ni DJ.

Malaking tulong din na nag-shoot sila ng movie sa Amsterdam dahil nakakakilig daw silang dalawa sa lugar na ‘yon, sabi ni DJ. First time niya roon at magkasama sila ni Kath kaya feel na feel niya.

Mas naunang mag-Amsterdam si Kath with her family nu’ng 18th birthday nito. Pero nito lang with DJ sobrang na-appreciate ni Kath ang Amsterdam dahil sa mga pinuntahan nila na hindi ‘yung usual tourist spots.

That’s why balak ng KathNiel na hopefully, sa next birthday ni DJ ay makabalik sila roon together.

Sey ni DJ, mas malupit ang Amsterdam kesa sa Paris na overrated na.

Bilang ‘The Hows of Us’ ang pamagat ng movie nila, tinanong namin si Daniel­ kung ‘How Long’ na sila officially together­ ni Kathryn doon sa 6 years na magka-loveteam sila.

Medyo matagal bago nakasagot si DJ at tila nagkuwenta pa silang dalawa ni Kath.

Tapos ay sinagot niya kami ng, “Together,­ basta more than 5 years na. Ha! Ha! Ha! Okey na, thank you very much!”

 

Daniel inaaway si Direk Cathy

 

May revelation si Direk Cathy Garcia-Molina sa presscon kahapon tungkol kay Daniel Padilla.

Ayon sa blockbuster director ng Star Cinema, sa daming beses niyang nakatrabaho ang KathNiel ay nag-evolve na ang relasyon nila ni DJ.

“Nagiging John Lloyd (Cruz) na siya ng buhay ko. Nakakaaway ko na po siya. You know, ‘di ba, the closer you get to a person, mas nag-aaway na kayo? Nagkakaroon na kayo ng dahilan na mag-away.

“Kasi nga, hindi lang trabaho. Nagiging personal, so nasasaktan na niya ako, nasasaktan ko na siya. Kasi, kung trabaho lang, pakialam ko sa kanya?” bulalas ni Direk Cathy.

Paano siya nasasaktan ni Daniel?

Si DJ ang sumagot ng, “Minsan, nakakalimutan namin na nagtatrabaho kami, eh. Akala namin, tropahan lang kami du’n. Ha! Ha! Ha! May ganu’n na. So minsan, oops, sobra. Mali pala.”

Kuwento ni Direk Cathy, ang sosyal­ ng first ever away nila ni DJ dahil sa Amsterdam ito naganap. Matampuhin daw kasi talaga siya at saka sensitive in a good and bad way.

May mga panahon na nao-offend na siya ni Daniel na hindi nito alam. At na-offend siya dahil si DJ ‘yon, kung hindi si DJ ay hindi raw siya masasaktan.

Tsika naman ni DJ, sa away nila na ‘yon ni Direk Cathy ay mali sila pareho. Kasi siyempre ay pagod na raw ito at may nabi-visualize itong acting na gusto nitong makuha.

Inamin ni DJ na hindi lang minsan siya nahirapang ibigay ang hinihingi ni direk sa eksena.

“Mahirap. Dyusko, mahirap! Pero kaya lalo mong minamahal eh, kasi ang hirap. At ‘pag nakuha mo, ang sarap, ‘di ba? ‘Pag nag-good take na siya, okey na ‘yon. Puwede na sa akin ‘yon!” napapa­ngiting pakli ng Kapamilya actor, na hindi itinangging nagka-clash sila ni Direk Cathy.

Eh anong reaksyon ni DJ na siya pala ang bagong John Lloyd sa buhay ni Direk Cathy?

“Hindi naman. Iba pa rin si Idan (palayaw ni JLC). Mahal na mahal namin si Idan. Ano lang, pinupunan ko lang ang ano ni Idan dahil wala pa siya sa ngayon,” kaswal na sambit ni DJ.

Sa August 29 ang showing nationwide ng KathNiel movie na ‘The Hows Of Us’.