Abante Tonite Interactive

KathNiel pang-honeymoon ang yakapan

1,418

Ang beach photo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, go for gold ang pag like ng madlang pipol. Habang tinitipa ko ito, almost 700K likes na ito at tiyak, marami pa ang magkakagusto sa kanilang larawan na magdyowa.

Ang beach backdrop nila, ang ganda-ganda naman talaga at mas panalo ang moment nila ni Padilla na captured for posterity. Hubad baro si Daniel na dapat lang naman kasi nasa beach sila at yakap na yakap niya ang kanyang kasintahan at masuyong hinahalikan sa pisngi.

Yung pagkakayakap pa ni Padilla kay Bernardo parang pang-honeymooners at tila sinasabi sa lahat na this lady is mine and I am truly, madly deeply in love with her. Nasa tamang porma rin ang pangangatawan ni Daniel at pinasilip pa nito ang kanyang dibdib na adorned with a very photogenic utong.

Si Kath naman, best in backless at kilig na kilig gesture mula sa jowa niyang naglalambing. Picture of a woman in love and blooming talaga ang young queen, huh.

Marami ang umaasa na sa altar mauwi ang relasyon at magandang pagsasama ng KathNiel. Kung kailan ang kasalan? Sa tamang panahon, ating malalaman. Hayaan na muna natin silang i-cherish at i-enjoy ang kanilang mga moment bilang magkasintahan.

Bakat utong ni Alex inokray

Pinagdadabugan ng bangs at may mega-talak pa ay ang kay Alex Gonzaga.

Pangarap pa yata niyang kabugin ang pagiging sex nymphet ni Ivana Alawi.

Sangrekwang lait tuloy ang tinanggap ni Gonzaga sa larawang magkatabi sila ni Alawi!

Maliban sa utong, harsh ang comment ng mga netizen sa kanyang boobies na maliliit lang daw, na kesyo may fake silicone breasts itong ipinatong sa kanyang bosom na may eksaheradang mga utong kaya bumakat sa suot niyang upper garment .Dapat daw itigil na ni Cathy ang ilusyon niyang she has what it takes para kabugin ang millennial bathaluman sa paseksihan.

For sure, dahil sa mga violent reaksyon sa utong ni Alex, lugod na lugod siya dahil mas lalong magiging mausisa ang mga tao sa vlog niyang may payanig na Ivana versus Iguana, the braless girl.

Dahil sa paandar niyang ito, tiyak marami na namang views ang kanyang vlog na kasama niya Ivana na willingly eh nagpagamit kay Alex, huh! Malaki na naman tiyak ang kikitain ni Cathy sa latest pabiba niyang ito.

Tonite – Wendys Inhouse Ad