Abante Tonite Interactive

KathNiel, Sarah, Kris inubos ang pera ng mga moviegoer

Nilalangaw ang mga pelikula

0 1,047

tonite-this-is-it-roldan-castroMagkakasunod na kumita ang pelikulang “Crazy Rich Asians”, “Miss Granny”, at “The Hows of Us”.

How true na ‘yung mga sumunod ay nila­langaw na raw. Flop daw ang isang pelikula na ginastusan. May indie movie naman na P150,000 lang umano ang kinita nu’ng first day.

‘Yung isa naman ay P300K umano ang box office result nu’ng unang­ araw ng sho­wing. Hindi na raw naulit ang formula ng pelikula ni Empoy sa pelikulang ‘yun para humakot ng datung sa takilya.

Abante Hiring – IT dep

Inubos na raw nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Kris Aquino, Sarah Geronimo, Xian Lim at James Reid ang pera ng mga moviegoer dahil sunod-sunod na kumita ang mga pelikula nila.

Hanggang ngayon ay tumatabo pa rin sa takilya ang KathNiel movie na umabot na ang kita ng P505,672,777.80 nu’ng September 9.

Hinuhulaan na ang pangmalakasang kita ng mga pelikulang Pinoy ay sa Metro Manila Film Festival na.

Maricris nagulat na may buntis sa La Diva

Nagulat si Maricris Garcia sa tsismis na isa sa La Diva ang umano’y buntis. Ang La Diva ay dating grupo ni Maricris kasama sina Jona at Aicelle Santos.

Buong ningning na sinabi ni Maricris na hindi siya buntis. Pero anytime na ibigay ito ni Lord ay gusto na niya. Matatandaang ikinasal si Maricris noong December 2016 kay TJ Cruz.

At sa kanyang ika-11 taon sa industriya, tuloy na ang kanyang unang major solo concert na pinamagatang MAR1CR1S na gagawin sa Teatrino, Greenhills sa Sept. 28, 2018.

Supposed to be ay last year siya magkakaroon ng concert para sa kanyang 10th anniversary sa music scene pero hindi ito natuloy.

“The show is more of a story telling type. I want to share my journey since I started my career up to the pre­sent, as well as my personal life, my musical influences, and more,” pahayag ng Kapuso Diva.

Mga guests ni Maricris sa kanyang concert sina Mark Bautista, Nar Cabico at ang Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid. May sorpresang bisita pa siya.

Para sa ibang detalye maaaring tumawag sa 0917-850-8747 o sa Teatrino sa numero (02) 741-2949.