Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KathNiel, Sharon, Vice walang binatbat

0 71

Kung pagbabasehan ang unofficial na bilangan para sa pinakamataas na katungkulang magsisilbi sa Republika ng Pilipinas, si Ferdinand Marcos Jr. na ang President-elect at si Sara Duterte-Carpio na ang Vice President-elect.

Kaya, kung ano ang susunod na kabanata sa ating usaping politikal at pambansa, sina Marcos, Duterte at ang mga pinili ng mayoryang botante ang siyang magpapatakbo sa gobyerno.

Ano ngayon ang masasabi natin sa efforts ng mga artista, lalo na ang malalaking bituin tulad nina Sharon Cuneta, Vice Ganda, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Anne Curtis-Heussaff at iba pa na ginamit ang charm offensive at artista powers nila para kumbinsihin ang mga botante kung sino ang dapat nilang iboto?

Sa pangyayaring ito, alam na alam na nating lahat na hindi umubra ang estrella powers ng lahat ng mga artistang binanggit para mailuklok ang kanilang nais na manalong presidential aspirant.

SM SuperKidsDay Banner Ad

For all the digits they have sa social media, at mga fan na pinapanood ang kanilang mga pelikula, wala silang kapangyarihan para impluenwansiyahan ang mayorya. At sa ganitong tunggalian, laging ang mayorya ang nagwawagi.

Patotoo rin ito na wala na talaga ang panahon ng mga celebrity kung saan panatiko talaga ang kanilang mga tagasubaybay at sumusuporta.

Maging ang sinabing mga social media darling, influencer at ibang mga sikat diumano sa YouTube, Twitter, TikTok at kung saan pa na nanghikayat para sa team kalambihan, eh wala naman talagang fuerza .Hindi pangmalakasang ang pagkarahuyo sa kanila ng mga inaaliw nila sa social media universe.

Dahil nga wala naman palang estrella powers ang tulad nina Ate Shawie, Meme Vice, diyosa Anne, pambansang magkasintahang KathNiel, at iba pa, dapat nilang tanggapin na ang kanilang paghahari sa kanilang mga tagahanga at tagasunod ay tapos na .Ang mga kapangyarihang inakala nilang mayroon pa sila, ay isang bagay ng kanilang kaluwalhatian na wala na.

Leave A Reply

Your email address will not be published.