Abante Tonite Interactive

KathNiel tumulong sa Taal

371

Personal na tumulong ang celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal. Nagtungo ang mag-dyowa sa evacuation center sa Bonliw, San Luis, Batangas para mamahagi ng relief goods.

Ibinahagi ni Karla Estrada ang ilang mga larawan sa kanyang Instagram. Caption ni Karla, “Hawak kamay tayo kasama ang kathniel at buong Team na kasama sa pag-Kawang gawa.”

Bago nito, makikita sa Instagram story ni Mommy Min Bernardo ang pagtulong ni Kath at ng kanyang mga kapatid sa pagre-repack ng relief goods.

Inulan naman ng papuri mula sa mga netizen dahil sa ginawa ng celebrity couple.

Komento nila:

@axelmaeborromeo, “galing talaga ng mga babyloves ko. Keep it up Kathniel more blessings to come sa inyo.”

@emmatatlonghari, “THANK YOU SO MUCH KATHNIEL.”

@kissesss75, “God bless all your good hearts QM and Kathniel as always! Alam naman nmin laht na in cases like these lagi andyan para tumulong kaht walang camera!! God bless at marami n nman napa smile nyo kahapon sa Batangas.” (Rona Ronda)