Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn, Daniel bagong serye unang mapapanood sa  Netflix

0 52

Pasabog ang pagbabalik sa primetime TV ng sikat naloveteam ng bansa na kinabibilangan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa “2 Good 2 Be True” na unang mapapanood sa Netflix Philippines at iWantTFC bago ito ipalalabas sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5 sa Mayo 16.

Ang “2 Good 2 Be True” ang kauna-unahang teleserye sa bansa na mapapanood sa Netflix 72 oras bago ito umere sa telebisyon bilang kasunduan ng ABS-CBN at Netflix. Kaya naman mapapanood na ang pinaka-aabangang KathNiel series sa Netflix Philippines simula Mayo 13.Masisilayan na rin ang KathNiel series sa iWantTFC app o sa iwanttfc.com sa Mayo 14 o 48 oras bago ang TV premiere nito.

Itinuturing nina Kathryn at Daniel ang seryeng ito bilang regalo sa kanilang fans at selebrayon ng kanilang ika-sampung taong anibersaryo bilang loveteam.Tungkol ito sa dalawang tao na ayaw magpa-budol sa pag-ibig.

Matapos ang limang taon, nagbabalik sila para pasayahin at bigyan ng good vibes ang manonood kasama ang direktor na si Mae Cruz Alviar.

Iikot ang kwento kina Eloy (Daniel) at Ali (Kathryn) na parehas hindi naniniwala sa true love matapos nilang makita kung paano nito nawasak ang kani-kanilang pamilya.

SM food to go Banner Ad

Kilala bilang ‘engine whisperer’ si Eloy sa kanilang komunidad. Kasabay ng pagiging isang mekaniko, pinagpapatuloy din niya ang pag-aaral ng abogasya sa pag-asang mapalaya ang ama sa kulungan. Ginawa nga niyang misyon na palayain ang ama hindi lang sa bilangguan pati na rin sa sakitnadulot ng pagkamatay ng ina. Samantala, isa namang mabait at masipag na nurse si Ali na nangangarap maging isang doktora.

Una silang pagtatagpuin ng tadhana sa isang plinanong nakawan ni Eloy sa isang hotel nang mabunggo niya si Ali. Muli silang magkikita nang tanggapin ni Ali ang trabaho bilang nurse ni Hugo Agcaoili (Ronaldo Valdez), na may tinatagong sakit na Alzheimer’s, habang papasok naman bilang mekaniko ng mahigpit at tuso na real estate magnate si Eloy.

Mahanap kaya ni Eloy ang sagot sa kanyang mga katanungan sa pagpasok niya sa buhay ni Lolo Hugo? Hanggang saan kaya dadalhin ng paghahanap ng katotohanan si Eloy? Paano kaya ito makaka-apekto sa posibleng ugnayan nila ni Ali?

Ang “2G2BT” ay sa ilalim ng produksyon ng RGE Unit. Makakasama rin sa palabas sina Gloria Diaz, Irma Adlawan, Gelli de Belen, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, Smokey Manaloto pati na sina Matt Evans, Jenny Miller, Yves Flores, Gillian Vicencio, Bianca de Vera, Pamu Pamorada, Via Antonio, Hyubs Azarcon, at Alyssa Muhlach.

Leave A Reply

Your email address will not be published.