Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn, Daniel usapang wedding sa pandemya

0 612

            Matalas talaga ang mata ng KathNiel supporters, huh! Kilig to the max sila sa Instagram exchanges nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Feeling nila, mas matamis pa sa “I do” at sa promise na “till death do us part” ang pahayag ng magsing-irog.  

 

            May after work out photo kasi Bernardo at ang reaskyon ni supremo_ph dito ay: “ikay akin lamang.” Ang tickled pink na tugon ni bernardokath: “ikaw din” na may kasamang marami-raming heart emojis.

 

            Ang bongga hindi ba naman? Mauunawaan mo na kung bakit naglulundag at naghuhumiyaw sa kaligayahan ang team KathNiel. Na in these uncertain times, kung may isang sigurado, eh ang pagmamahalang walang kapantay na pinagsasaluhan nina Padilla at Bernardo. Iyan ay totoong-totoo. Maraming pagsubok na rin ang pinagdaanan pero talagang they work hard for their relasyon.

 

            Ngayon kayang pandemya, na kapwa sila hindi busy sa pagtatrabaho, dumako na kaya ang kanilang mga pag-uusap sa kasal? Kung saan ito maaring gawin? May masinsinan na bang diskusyon kung ilang anak, mga pangalan nito at kung tuloy pa rin ba ang kanilang karera bilang mga artista bilang Mr. and Mrs. Daniel John Ford Padilla?

 

            Whatever is the case romance wise, mas palong-palo naman talaga kung sa altar mauuwi ang romansahan ng supremo at prinsesa. No one naman in his or her right frame of mind would want to jinx it at ipagdasal na maghiwalay ang kanilang dekolor at puti.

 

            Kaya kay DJ at Kath, mas pakiligin niyo pa ang sambayanang Pilipino. Kailangan na kailangan naming lahat ng mga ganap na kikiliti sa aming mga pusong nababagabag at nagugulumihanan.

 

            Salamat talaga sa kilig, Kathryn and Daniel.

 

Gold   sumirit sa ‘batibot’

 

            Mahusay umarte si Gold Azeron kaya hindi na ako nabigla sa mapangahas niyang mga eksena sa Ivan and Jack, ang Episode 5 ng baklaan-serye, ang “Unlocked.”

 

            Sa mga nagmamalinis na kunyari eh shookt with matching pagtabing sa mga mata pero kitang-kita pa rin ang paglalaro ni Azeron sa kanyang ari-arian, alam niyo naman ang kanyang trabaho sa nasabing maikling pelikula kaya huwag kayong mag-inarte na di niyo napigilang mag-antanda at bet niyong mangumpisal in a major, major way. Ang linis, huh!

 

Walang habas na  pinagtatalunan kung ang sakmal ng kamay ni Gold ay talagang pagkalalaki niya. 

 

            Kahanga-hanga rin ang mga bakla, huh! Sila lang talaga ang may likas na x-ray vision. Sa eksena kasi, medyo madilim ang ilaw sa phallus area ni Azeron kaya impressed much ako sa bekibels na malinawag nilang nakita ang nilalarong armas.

 

            Ngayong aroused ang curiosity ng lahat kay Gold Azeron. Sumirit at pinag-usapan kasi ang kanyang ‘batibot scene’. Lalo na ngat marunong talaga siyang umarte dahil siya ang best actor sa “Metamorphosis” ng  Cinema One Originals Film Festival. Naway may pangmalakasang main stream project siya soon.

 

Leave A Reply

Your email address will not be published.