Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn ‘di iiwan ang Dos

0 637

Nag-promise si Kathryn Bernardo na hihihintayin niya ang ABS-CBN 2 hanggang makabangon. Naniniwala siya na darating din ang panahon na muling mamamayagpag ang Kapamilya network.

Nag-post ang young actress ng video na ang mapapanood ay bahagi ng ABS-CBN building.

Ang kanyang caption ay “Ang dami mong pinagdaanan nitong mga nakaraang buwan. Ang daming sumubok sa ‘yo— nangmaliit at kumutya. Pero hindi ka sumuko. Nandito ka pa rin, patuloy na nagbibigay ng pag-asa sa aming lahat.

“Kami naman ngayon, hayaan mong kami ang magbigay ng liwanag sa ‘yo sa panahong pinaka-kailangan mo kami. Hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Hindi ka namin iiwan hanggang sa makabangon ka muli.

“Magpakatatag ka. Kakayanin natin ‘to nang magkakasama. Mahal kita, ABS-CBN. Tandaan mo ‘yan.”

Talbog!

Allan, Ate Gay, Boobay nagluksa kay Kim

Pumanaw na ang komedyate at dating mainstay ng ‘Eat Bulaga’ na si Kim Idol, 41 sa Manila Central University Hospital sa Caloocan City.

Matatandaang natagpuan na walang malay si Kim sa isang bahagi ng Philippine Arena bilang frontliner. Naputulan siya ng ugat sa ulo . Matagal na siyang may brain arteriovenous malformation (AVM).

Nagluluksa ang mundo ng komedya.

Sey ni Allan K sa kanyang Instagram account, “You were one of the best talents Klownz and Zirkoh have ever had. One of the funniest on and off stage. You will always be remembered by people whose lives you touched through comedy. Rest in peace Kim Idol.. we will miss you…..”.
Mensahe naman ni Ate Gay, “Mahal kita .. yan ang lagi mong sinasabi sa akin …haaaaay … halos naikot natin dalwa ang buong Canada UK buong UAE australia europe buong pilipinas…. may Iceland pa sana tayo ngayong september…Ang pinakamataray makakapunta kana sa Langit na hindi ako kasama..kaw nalang muna ha matagal pa ako makakapunta dyan hehe. ❤❤❤ RIP Kim Idol.”

Ayon sa Beautederm ambassador na si Boobay,” You may be gone from our sight, but you will never be gone from our hearts…. i love you Kuya Kim…The memories we’ve shared on and off stage will never be forgotten, i promise…See you again soon Kuya Kim… Rest in peace now Kuya Kim Idol….”

Maligayang paglalakbay Kim. Maraming salamat sa mga ibinigay mong halakhak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.