Abante Tonite Interactive

Kathryn ‘di kasabay sa premiere night Daniel may babae sa Batangas?

782

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioHindi siya ang star sa “Familia Blondina” pero marami ang nakapansin na ang kasintahan ni Daniel Padilla, si Kathryn Bernardo, hindi nakapag-red carpet walk sa pelikulang pinagbibidahan ni Karla Estrada.

Nasa PICC kasi ang Bb. Bernardo, ang oras ng premiere night, kasabay ang event o pictorial nito. Ang twist sa chika, si Alden Richards, isa rin sa mga panauhin sa isang kaganapan rin sa nasabing lugar.

Nakahabol naman ang dalaga sa “Familia Blondina” premiere at sa mga panayam kay Padilla, mariin ang kanyang pahayag na sila pa rin ni Bernardo.

Kung going strong pa ang kanilang relasyon, tanging silang dalawa lamang talaga ang nakakaalam. May chika kasing itong si Daniel, spotted nga ba with a beautiful non-showbiz miss sa isang mamahaling beach enclave sa Batangas?

And how true rin kaya ang tiktak na Bernardo is rekindling her ties sa kanyang mga kaibigang babae and spending more time with them?

Speaking of time, love and your hard earned datung, ibigay niyo ito sa “Familia Blondina.” Masaya, kawili-wili at ang pagtawa nang ma­lakas, hindi niyo mapi­pigilan. Of course, bidang-bidang rito ang Comedy Momshie na tala­ga naman kinarir ang katauhan na kanyang ginampanan.

Without her trying, damang-dama ang presensya ni Rubi-Rubi. Siya talaga ang poster woman para sa kasabihang “digital na ang karma.” Hahahaha! Sa true lang, she is so ripe for own solo starrer.
***

Kris babu na sa abogado?

Ngayong ang pa­ngalawang reklamo ni Kris Aquino na qualified theft kay Nicko Falcis ay dismissed na naman, dapat na bang kabahan at nerbyusin ang Digital Empress dahil ang version of her truth, la­ging salat at wanting kaya deklaradong walang probable cause?

May lima pang rekla­mong nakaamba at mala­laman sa tamang panahon kung may probable cause rin ang mga ito. Ilang dismissal pa kaya ang magaganap bago matanggap ni Aquino na all is lost na sa kanyang war of the roses?

Walang duda na may motion for reconsideration muling ihahain ang kanyang hired law firm. ‘Yun naman talaga ang takda nilang gawin.

Hindi madaling tanggapin na nangyari muli ang dismissal sa panga­lawang pagkakataon. Marapat lamang na kanilang rebyuhin at repasuhin kung puwede pa ang lima pang reklamong kanilang inihain. Sapat ba ang kalakasan at mga ebidensyang kanilang isinusumite?

‘Pag may pangatlong dismissal pa, dapat siguro mag-isip-isip na si Aquino kung lalaban pa ba talaga siya o she has to kiss the law firm goodbye?

As expected ang Pambansang Sawsawera, may pa thanksgiving party na naman. Si Gretchen Barretto yata, iyan ang hobby ngayon, ang magpa-party.

Hindi ba kay Maricel Soriano, she feted a birthday party as well? Hindi ko nga sure kung during their heydays, eh malapit silang magkaibigan kaya niya ginawa ang gesture na ito para sa Diamond Star, huh!

Ang strike two para sa Digital Empress na ito, masasabi ba nating karma is indeed digital para kay Kristine Bernadette Aquino?