Abante Tonite Interactive

Kathryn ‘di tatapak sa Sunday show ng GMA

978

Hindi totoo ang balitang maggi-guest si Kathryn Bernardo sa “Sunday PinaSaya” ng GMA para i-promote ang Star Cinema movie nila ni Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye.”

May tsikang dadalaw si Kathryn sa Sunday PinaSaya show ni Alden as part of their promo, matapos mabalitang maggi-guest si Alden sa morning shows ng ABS-CBN.

Simple lang ang rason ng aming Kapamilya source kung bakit hindi maggi-guest si Kath sa “SPS” at ‘yun ay dahil part daw si Kath ng “ASAP Natin ‘To.”

So ayun, sorry to say sa KathDen fans na nag-expect. Waley pong Kath na magpo-promote sa “SPS” o sa kahit na anong show ng Kapuso network.
Si Alden lang ang may sked na mag-promote sa kabilang istasyon.

Samantala, naaliw kami sa iba’t ibang version ng international pos-ters ng “Hello, Love, Goodbye” na ang lakas maka-Hollywood movie.

Nag-trend sa Twitter ‘yung #HelloLoveGoodbyeFavePoster dahil kanya-kanya ng pili ang netizens ng paborito nilang international poster ng KathDen movie.
Pinaka-bet namin ang “Hola, Amor, Adios” na Spain poster, at saka ‘yung “Ciao, Amore, Arrivederci” ng Italy at “Bonjour, Amour, Au Revoir” ng France.

Nakakatuwa rin ‘yung kakaiba ang alphabet na nakasulat sa poster gaya nu’ng sa Hong Kong, Japan, Vietnam, Malaysia, Indonesia, Cambodia, Myanmar, Israel at Middle East.

Meron ding sariling version ang Norway, Austria, Greece, Denmark, Ireland at Finland.

Taruzsh! Global na global ang peg. Saan kayang international screenings ang dadaluhan nina Kathryn at Alden?
May nakita rin kami sa Twitter na lista-han ng iba’t ibang block screenings ng “Hello, Love, Goodbye” na ang bilang so far ay nasa mahigit 100 na.

Baka madagdagan pa ‘yon dahil mukhang hindi pa kumpleto ‘yung nakita naming listahan.

Obviously ay handang-handa na ang respective fandom nina Kathryn at Alden para suportahan ang bagong pelikula ni Direk Cathy Garcia-Molina at hindi na nila mahintay ang pagbubukas nito sa mga sinehan sa July 31!
PAK!!

Kita ng BiGuel pinapa-invest ni Michael V

Aminado si Bianca Umali na na-starstruck siya sa ganda ni Ms. Dawn Zulueta nang una niya itong makita at hindi niya raw naiwasang titigan ito sa script reading nila para sa movie na “Family History.”

Masaya sila ng ka-loveteam niyang si Miguel Tanfelix na kasama sila sa pelikula na sinulat, dinirek, pinrodyus at pinagbidahan ni Michael V. katambal si Ms. Dawn.

Sey ni Bianca, sobrang paborito ng lola niya ang magandang aktres kaya happy ito na nakatrabaho niya si Ms. Dawn at sana raw ay ma-meet ito ng lola niya in person.

Amazing daw ang experience ng BiGuel with Direk Bitoy dahil sabi ni Bianca, mahirap ang ginagawa nito at nakita niya kung gaano ito ka-passionate bilang actor-director.

Nilu-look up daw ni Bianca si Bitoy at ang wife nitong si Ayoi dahil sobrang nakaka-inspire ang mag-asawa na magkatuwang sa project na ito with GMA Pictures.
Si Miguel ay inisip nu’ng una na mai-intimidate siya kay Ms. Dawn, pero naging magaan daw ang loob niya rito.

Lagare ang BiGuel sa shooting ng movie at taping ng epicserye nilang “Sahaya,” pero hindi raw sila pagod dahil light lang ang set nila at masarap magtrabaho, sey ni Miguel.

Naikuwento rin ng dalawa na memorable ‘yung dinner nila with Direk Bitoy sa standby area nito.

Tinuruan daw sila nito ng life lessons tulad ng kung saan dapat mag-invest at ilagay ang perang kinikita nila sa showbiz. Ani Miguel, importante sa kanila ‘yon bilang millennials kaya talagang natuwa sila at meron silang natutunan.

Ang sabi ng BiGuel, ang karakter nilang sina Manix at Jenna ang isa sa pinaka-close sa totoong sila at sa edad nila sa mga nagampanan nilang role. Marami raw makaka-relate dito.

Dagdag ni Bianca, almost Miguel and Bianca talaga ‘yung mga karakter nila kaya natural at very relaxed sila sa pelikula.

First time daw nila na nag-drama na may halong comedy, so kakaibang experience ito para sa BiGuel.

Sa July 24 ang showing sa mga sinehan nationwide ng BiDawn and BiGuel movie na “Family History.”