Kathryn happy sa niligtas na mga aso

NI: ROLDAN CASTRO
Bilang isang fur mom ng labing-isang aso, natuwa si Kathryn Bernardo na inaalagaan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang mga naiwang aso sa bayan ng Bulakan, kung saan itatayo ang Manila International Airport project.
“I’m proud of the San Miguel family for taking care of the dogs that were stranded in Bulacan,”wika ni Bernardo.

“I’m happy that these dogs were rescued and, hopefully, will be adopted by loving homes. Thank you, San Miguel,” dagdag pa niya.
Matapos malaman ang kalagayan ng 70 aso na naiwan sa Barangay Taliptip ay nagpadala agad ang SMC ng Nutrichunks dog food para mapakain sila.
Sa tulong ng Animal Kingdom Foundation (AKF), may 53 nang aso ang na-rescue simula noong Nobyembre 16 at nailipat sa AKF shelter sa Capas, Tarlac. May natitira pang 20 aso na kailangang i-rescue sa mga susunod na araw.
Ang mga asong dinala sa AKF sa Tarlac ay gagamutin at kakapunin bago sila ihanap ng mga mag-aampon.