Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn inintriga na mabuntis ni Daniel

0 120

Viral ang naging reaksyon ni Mommy Min, ina ni Kathryn Bernardo sa napapadalas na camping nito kasama ang mga kaibigan.

Ibinahagi pa niya ang kanyang emote sa kanyang Instagram account tungkol sa pagpayag niya na sumama si Kath sa nasabing outdoor activity with some friends.

“Sobrang pangarap as in pangarap ni Kath na mag-camping talaga! Isa sa reason kaya siya nag-regular schooling nung elem days niya ay makasama sa camping,”ani Mommy Min.

Pero humirit ito na huwag naman sanang napapadalas ang pagka-camping nito.

“Ayan anak, na-experience mo na… Pero di dapat madalas. Sa school nga once a year lang ang camping,”paliwanag ni Mommy Min.

Sumagot naman si Kathryn sa ina na: “Sayang naman gamit ma.”

Nag-react naman ang ina at nag-bargain na okey na sa kanya ang dalawang beses sa isang taon.

“Sige na nga twice a year na lang! Nung araw ang pag-camping matagal na paalaman yan anak kasi delikado yan,” bulalas niya.

Sumabat naman si Ria Atayde at kinatigan si Kathryn sa pagsasabing: “Nako tita! Sayang gamit! Tawad po ako for us, 3 times please. Baka 4!”

Dahil sa reaksyong ito ni Mommy Min, hindi napigilang mag-react ang intrigerong kibitzers.

Lumabas daw ang pagka-protective ni Mommy Min kay Kath. Takot umano itong mabuntis ng nobyong si Daniel Padilla ang anak .

Baka matulad umano sa kaibigang si Sofia Andres na nag-disappearing act sa showbiz at inilihim ang kanyang pregnancy.

Sa latest out of town camping trip ng Kathniel, kasama nila sina Sofia Andres at ang kanyang partner na si Daniel Miranda.

Join din sa nasabing trip sina Ria Atayde at Joshua Garcia.

Robin kinuyog sa ‘pambabae’ ni Aljur

Maraming netizen ang nag-react na kalmado lang si Robin Padilla na may third party sa hiwalayan nina Kylie at Aljur.

Aniya, dahil lalake si Aljur, natural lang na minsan ay may mga babaeng umaali-aligid dito at minsaý matukso ang son-in-law.

Natural lang daw iyon sa isang lalake dahil naranasan niya mismo ito.

Inusisa naman ni Ogie si Binoe kung nag-apologize ba sa kanya si Aljur hinggil sa pangyayari.

Hirit niya, hindi na raw kailangan basta ang babala lang daw niya rito noon pa ay huwag sasaktan nang pisikalan si Kylie.

Nang tinanong naman ni Ogie kung hiningi ni Kylie ang kanyang tulong para kausapin si Aljur hinggil sa kanilang naging hiwalayan.

Aniya, wala raw iyon sa ugali niya.

Hirit niya, ayaw raw niyang mapahiya dahil baka balikan siya ni Aljur kung bakit siya man ay nambababae rin.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil dito, may mga pumuri kay Robin sa pagiging liberal nitong mag-isip.

Pero, karamihan sa mga netizen ay kinokondena siya sa naging pahayag nito .

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“Wala namang pakialam si Robin lol diba nga sabi nya sa interview ganun talaga ang lalaki lol.”

“Ang saklap kung ganito mag-isip tatay mo o asawa mo. Animal ba ang mga lalaki at di makapagpigil? Ang daming lalaki na kayang mag-commit. Nasa tao ‘yan. Walang kinalaman ang gender sa pagiging loyal.”

“ Kala mo kung sinong matapang pero pag sariling anak na ang sinaktan, tanggapin na lang ganon?”

“Mas masakit naman ang emotional pain kesa sa physical. Ano bang mindset meron sya”

“Anong cool? Di nya lang masabi kay Aljur kasi gawain nya rin. Parang nagkatotoo ang kasabihan na pambayad utang ng mga tatay ang anak na babae. Nagawa sa anak nya ang mga ginawa nya din sa mga babae before.”

“pano yun bilang tatay, di mo mapagsabihan dahil babaero ka rin…pero nasasktan ang anak mo pero di mo sya mai-defend, kawawang kylie.”

“Iba rin. Ok lang pala mag cheat basta wag lang sasaktan ng pisikal ang asawa.”

“If Robin condemns Aljur, sasabihan din siyang hypocrite. Ganon thinking niya kasi normal sa religion nila to have multiple women as long as afford mo at na susupport mo family mo.”

Kylie natauhan sa dyowa

Nagpakawala ng cryptic post si Kylie Padilla sa kanyang Instagram account.

Aniya, ang pagbabago raw ay nagsisimula sa sarili.

Hirit pa niya, hindi makakamtan ng isang tao ang buhay na kanyang pinapangarap kung hindi niya handang yakapin ang pagbabago sa kanyang buhay.

Kahit walang tinutumbok, nahuli ng mga netizen na hugot ito ng aktres sa kanyang pinagdadaanan pagkatapos na aminin ng kanyang ama hiwalay na sila ni Aljur.

“We cannot create the life we strive for if we do not first change internally.”

May konting payo rin siya sa kanyang post tungkol sa pagbabago.

“Keep discarding the habits that are stalling you.”

Binanggit din niya kung paano makaka-move on o maghe-heal pagkatapos ng pinagdaanan.

“Discover new ways in which you can improve your days. Introspect yourself for emotional blockages and find ways to heal. You got this.”

Hirit tuloy ng mga netizen, woke na raw si gurl tungkol sa ‘pambababae’ umano ng mister.

Leave A Reply

Your email address will not be published.