Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn inintrigang buntis

0 282

NI: CRISTY S.FERMIN

Isang kontrobersiyal na tanong na tinanggap namin kahapon nang umaga. “Totoo bang buntis si Kathryn Bernardo? Hindi ko na itatanong kung sino ang ama, si Daniel Padilla siyempre ‘yon,” tanong-opinyon na nasa kanilang linya.

May nagbulong na rin sa amin ng kaparehong kuwento, pero hindi agad kaming naniwala, at kung totoo man ay maraming puntong magtatanggol sa kanila.

Mahigit na isang dekada nang magkarelasyon sina Kathryn at DJ, kilalang-kilala na nila ang isa’t isa, nasa tamang edad na rin sila para mag-asawa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipagpalagay nang nagdadalantao nga ngayon si Kathryn ay wala kaming nakikita at naiisip na problema dahil sobra pa sa siguradong paninindigan ni Daniel ang kanyang sitwasyon.

Pakakasalan siya ni Daniel, tulad ng pareho nilang pinapangarap, magkakaroon sila ng masayang pamilya. Ito ang klase ng relasyong hindi na dapat pang kuwestiyunin dahil tumagal ang kanilang relasyon na pareho nilang inalagaan.

Pero madalas nilang sabihin na napag-uusapan man nila ang pagpapakasal ay mas mahalaga pa rin muna ang mga importanteng prayoridad nila sa buhay.

Marami pa silang pangarap, uunahin muna nila ‘yon, bago ang pagpapakasal at pagbubuo ng pamilya. Pero kung totoo ngang nagdadalantao si Kathryn, may problema ba, wala kaming nakikita.

Leave A Reply

Your email address will not be published.