Abante Tonite Interactive

Kathryn inisnab ng FAMAS

509

Archie Liao

Inanunsyo na ng FAMAS ang mga nominado sa kanilang ika-67 edisyon ngayong taon.

Pukpukan ang ­labanan sa best actress race nina Judy Ann Santos (Ang Dala­wang Mrs. Reyes), Gabby Padilla (Billie and Emma), Perla Bautista (Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon), Angelica Panganiban (Exes Baggage), Glaiza De ­Castro (Liway), Iyah Mina (Mamu, And a Mother, Too), Sarah Geronimo (Miss Granny), Nadine Lustre (Never Not Love You), Marietta Subong (Oda Sa Wala) at Anne Curtis (Sid & Aya: Not A Love Story).

Magtutunggali naman sa best actor cate­gory sina Eddie Garcia (ML), Alwyn Uytingco (Asuang), Victor Neri (A Short History Of A Few Bad Things), Carlo Aquino (Exes Baggage), JM De Guzman (Kung Paano Siya Nawala), Dante Rivero(Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon), James Reid (Never Not Love You), Mon Confiado (El Peste), Christian Bables (Signal Rock), Daniel Padilla (The Hows of Us) at Ybes Bagadiong (Dog Days).

May ilang umalma sa listahan dahil nominado si Daniel bilang best actor pero inisnab ang ka-partner nitong si Kathryn Bernardo sa best actress race na anila’y parehong nag-shine sa highest grossing Pinoy film of all time na “The Hows of Us.”

Sina James Reid naman at Nadine Lustre ay parehong nominado sa “Never Not Love You.”