Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn kay Mateo: Kami bahala mag-cheer sa’yo

0 572

Pagkatapos okrayin ng beaucon aficionados ang National Costume ni Rabiya Mateo sa pre-pageant,marami naman ang bumilib sa kanya sa preliminary sa swimsuit competition.

Kahit na nag-apologize siya dahil sa brouhaha kaugnay ng hirap na dinanas sa pagrampa sa NatCos, naging tampulan din ng panlilibak ng mga mahadera ang pambato ng bansa sa Ms. Universe pageant.

Nakapag-uplift din ng kanyang spirit ang suportang ibinibigay sa kanya ng kanyang mga kababayan.

Isa na rito ang suporta ni Kathryn Bernardo na nagbigay ng pa-good vibes sa kanyang laban sa naturang pageant.

Ito ay nakapaloob sa video surprise na ibinahagi ng beauty queen na si MJ Lastimosa sa kanyang Instagram post.

“Labanan nyo ang surprise video ko for Rabiya hahaha! Kinilig nanaman sya eh Go Philippines!!! Let’s bayanihan and vote for Miss Philippines,”caption ng post ni MJ.

Sa personal na mensahe, sinabi ni Kathryn na proud siya kay Rabiya bilang Pinoy at suportado nito ang laban ng Ilongga beauty sa Ms. U.

“This is Kath. MJ told me that she’ll interview you so I just want to make it extra special by saying hi and by saying congratulations for everything that you’ve done. I know there’s a lot of pressure for the upcoming pageant but know that the whole Philippines and every Filipino will be cheering for you on that day.”

“And ngayon pa lang, we are very, very proud of you so whatever happens, proud kami sa’yo. And we just wish you all the best. Just do you, just enjoy the journey and kami na bahala mag-cheer sa’yo dito,” ani Kathryn.

@@@

Gladys walang P1M insurance ang legs

Isa si Gladys Reyes sa local female celebrities na nagtataglay ng magagandang legs.

Pero taliwas sa napapabalita, nilinaw niya na hindi insured ang kanyang legs. Tsismis lang na may P1M insurance ito.

Hindi rin daw totoo ang tsika na naliligo siya gamit ang mineral water.

Sa kanyang edad na 43, kapansin-pansin din na napanatili niya ang kanyang bata at magandang kutis.

Aniya,clean at healthy living daw ang sikreto niya.

Wala raw siyang bisyo at hindi mapili pagdating sa pagkain.

Nakatutulong din daw na magpabata ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.

Kahit nakilala bilang magaling na kontrabida, gusto rin daw naman niyang subukan ng iba’t-ibang roles na hahamon sa kanyang kakayahan bilang aktres.

Tsika pa niya, nakaganap na rin daw siya sa guestings niya sa TV bilang karakter na inaapi pero para sa kanya, mas naibibigay daw niya ang kanyang potensyal sa kontrabida roles.

Sa ngayon daw, lie low muna sila ng mister na si Christopher Roxas sa paggawa ng mga pelikula at serye dahil sa pandemya.

Nagpopokus muna siya sa kanyang role bilang mompreneur.

Si Gladys ay nagbigay ng helpful tips sa

Kumita at Gumanda sa Orabella zoomcon para sa aspiring entrePinoys.

Leave A Reply

Your email address will not be published.