Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn keber kina Daniel-Barbie

0 407

Trending ang naging tweet ng beauty queen na si MJ Lastimosa sa naging reply sa kanya ni Kathryn Bernardo.

Ito ay kaugnay ng pang-uurot niya sa aktres hinggil sa pinag-uusapang isyu na pinagtagni-tagni ng isang online chismoso na nagli-link sa boyfriend nitong si Daniel Padilla kay Barbie Imperial.

Sa post niya, ito ang caption niya:

“Kaborera yun asa trending topic ha!!!! ooops na post !”

Ibinahagi niya ang screenshot ng sagot ni Kathryn sa isyung Daniel-Barbie.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hahahahaha gagi. Alagang Ford po opo,” reaksyon ni Kathryn na may laughing at crying emoticon.

Ibig sabihin, dedma lang siya at hindi affected sa mga nang-iintriga o gusto sumira sa relasyon nila ng nobyo.

Para kasi kay Kathryn, safe siya kay DJ dahil alagang-alaga siya nito.

Sa kaso naman ni Daniel, ayaw rin nitong patulan ang malisyosong pag-uugnay sa kanya kay Barbie.

Katunayan, tinawag niyang baseless at nonsense ang rumor na ipinagkakalat ng nasabing online marites.

Leave A Reply

Your email address will not be published.