Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn kinilig sa tribute ng mga taga-Indonesia

0 403

Hindi nagpakabog ang mga international fan ni Kathryn Bernardo sa pagbibigay ng tribute sa kanilang idol.

Ang KaDreamers Indonesia, grupo ng kanyang mga faney ay nagtanim ng 266 na mga puno bilang parangal nila kay Kath.

Ito ay mabunying ibinalita nila sa kanilang Twitter account.

“Hi@bernardokath 266 trees in your name are planted,”sey ng mga KaDreamers.

Kalakip nito ang photos ng kanilang grupo sa isinagawang tree-planting project.

Mangrove trees o rhizophora plants ang kanilang itinanim sa Kampung Laut,

Cilacap sa Indonesia.

SM food to go Banner Ad

May pa-banner pa ang Indonesian fans ng picture ng KathNiel na may caption na “Kathryn Bernardo x KaDreamers Indonesia for the earth.”

Labis namang na-overwhelm si Kathryn sa pagsamba sa kanya ng nabanggit na grupo at ibinalik niya ito ng pagbati.

“YOU”RE THE BEST GUYS!!” ani Kathryn.

Na-appreciate naman ni Daniel Padilla ang sweet na gesture na ito ng Indonesian fans sa kanyang girlfriend.

“Wow!!!” and “Thanks guys!!!!,”pakli ni Daniel.

Si Kathryn ay naging Asian sensation sa kanyang highest-grossing movie na Hello, Love, Goodbye. (Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.