Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn magaling sa ibang partner

0 213

NI: ALWIN IGNACIO

Hindi ko sinasadyang mapanood ang “Three Words To Forever” sa NETFLIX. And I cannot help but wonder, bakit ganun, mas mahusay si Kathryn Bernardo kapag iba ang kapareha niya?

Si Tommy Esguerra ang love interest niya sa pelikulang ang parents niya ay ang tatay na tatay na talagang si Richard Gomez and yes oh yes, mas nanay na nanay talaga at matronly ang figure dito ni Sharon Cuneta.

Panalong panoorin si Kath at Esguerra and believable as two relatively young lovers na sisimulan na ang kanilang new forever.

Ano ito? Hindi kaya dahil tried and tested na ni Bernardo si Daniel Padilla for reel at real kaya pag sila na ang umaarte, hindi na challenged ang box office actress dahil ano pa bang bago ibibigay at ibabato sa kanya ni DJ acting wise?

Tama nga sigurong sa pelikula, sa iba na ipareha si Queen Kath kasi nga she levels up and works acting wise pag tulad ni Tommy at siempre pa, ang husay niya talaga eh in full bloom nung sila ni Alden Richards ang naging magkapareha sa unforgettable “Hello, Love, Goodbye.”

There is hope sa kanyang pagiging mahusay na aktres after all basta hindi si Padilla ang kanyang ka-eksena na tila siyang kryptonite niya at nagpapabano sa pag-arte niya. (Naka-2 best actress trophy siya sa ‘The Hows of Us’-ED)

Kaya kung gusto niya talagang tanghalin bilang isa sa pinakamahusay na aktres ng kanyang henerasyon si Kathryn Bernardo, sa kanyang mga pelikula, huwag na muna kay Daniel Padilla ipareha, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.