Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn, Maine tinanggi ni Bong

0 315

Pinaiimbestigahan na pala ni Sen. Bong Revilla ang mga nagkalat ng fake news na namatay na siya due to COVID-19. Sa kanyang zoom presscon kahapon, sinabi ng aktor/politiko na kailangang matigil na ang ganitong hindi magandang gawin ng ibang netizens.

Dumating daw kasi sa punto na muntik nang atakehin ang isa niyang kaibigang Mayor dahil sa fake news na namatay na siya.

“Mayroon akong isang kaibigang Mayor, biglang may nagbalita sa kanya, ‘mayor, mayor namatay na raw si Bong Revilla!’ ‘Ha?’ Kamuntik na atekihin ‘yung tao, hanggang sa natulala siya. Eh malapit sa akin ‘yung taong ‘yun,” kwento ni Sen. Bong.

Saka lang daw nahimasmasan ang kaibigan niya nang ma-confirm na buhay pa siya. Bukod dito ay napakarami raw tumawag sa kanyang umiiyak na akala nga ay totoo ang balita.

“Kaya nakakalungkot. Ito na ba ngayon ang mundo natin? Ito na ba ang hinaharap natin ngayon? Ito na ba ‘yung hinaharap na kinabukasan ng ating mga anak, ng ating mga apo. Sana naman mabago ito.

“Kaya ‘yung sa fake news na ‘yan, we will do something about it,” he said.

Pinaimbestigahan na raw niya sa Philippine National Police at sa National Bureau of Investigation at pinapakuha na niya ang background ng mga mahilig magkalat ng fake news.

“This has to stop,” mariing wika ni Sen. Bong.

Hindi pa masabi ni Senador kung magsasampa siya ng demanda sa mga bashers at nagkakalat ng fake news. Pinatawad na raw niyang minsan ang mga ito pero aniya ay huwag naman sanang paulit-ulit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Pag sobra-sobrang paulit-ulit na, napakaplastic ko na, parang ‘di na ako totoong tao kung di ko sila hagarin, di ba? Dadaan tayo sa legal kapag dumating tayo sa aspeto na ‘yan. Pero hangga’t mapapatawad ko at matitiis ko sila, titiisin ko,” aniya.

Samantala, isa rin sa natanong namin kay Sen. Bong ay kung tuloy pa ba ang planong pagsasama nila ni Maine Mendoza sa pelikula at aniya ay wala pa raw.

“Lalo na itong panahon ng COVID ngayon, but isa ‘yun sa gusto kong mangyari kung mangyayari ‘yun,” he said.

Napabalita ring magsasama sila ni Kathryn Bernardo sa isang movie pero aniya ay wala raw ganu’n.

“May nabalita na ganu’n, I hope I could work with Kathryn pero wala po,” he said.

Ang tuloy na tuloy so far ay malapit na raw ipalabas ang fantasy series niya sa GMA-7 na Agimat ng Agila na noon pa nila sinimulan ang taping.

Next week (Sept. 25) ay magdiriwang ng kaarawan si Sen. Bong at ipagdiriwang niya ito sa pamamagitan ng kanyang inilunsad na charity project, ang KAPS Amazing Gadget Give-away kung saan ay mamimigay siya ng 1,500 tablets para sa mga mag-aaral sa Luzon, Visayas, Mindanao, at sa National Capital Region (NCR).

Nakatakdang ianunsiyo sa Sept 20 kung sino ang mga pinalad na magkakaroon ng tablet.

Mariin ding ibinilin ni Sen. Bong na sa mga hindi nakapagsumite ng entry ay sumubayabay na lamang sa ‘live’ dahil may mga karagdagang ipamimigay, sorpresa at marami pang kasiyahan. (VINIA VIVAR)

Leave A Reply

Your email address will not be published.