Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn may sakit sa balat

0 139

NI: ARCHIE LIAO

Pumunta sa clinic ni Dr. Aivee Teo si Kathryn Bernardo kasama ang kanyang kaibigang si Sofia Andres para magpa-konsulta sa kilalang dermatologist of the stars.

Habang nagpapakonsulta, nakita ni Dr. Teo ang red scaly patches sa likod ng aktres.

Doon nalaman ni Kathryn na meron siyang sakit sa balat na kung tawagin ay pityriasis alba.

Ayon sa aming pananaliksik, ang pityriasis alba ay isang low grade type of eczema/dermatitis na kadalasang nakikita sa mga bata.

Sa iba naman, ito ay isang klase ng fungal skin infection na nagreresulta na magkaroon ng mantsa ang balat kung saan puwedeng maging mapusyaw o matingkad ang kulay nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ani Dr. Teo, kung masu-sunburn daw ang aktres, lalabas naman daw ang white patches sa kanyang skin.

Dagdag pa ng doctor, iyong dark spots daw naman ay lalong mangingitim.

Gayunpaman, dahil common skin condition daw ang sakit ng aktres, hindi raw dapat mag-alala ang mga faney ni Kath.

Wala raw treatment sa nasabing sakit dahil nawawala rin daw naman ito.

Usually, ang iprini-prescribe daw ng mga doctor sa ganitong kondisyon ay moisturizing cream o topical steroid o non-steroid cream.

Leave A Reply

Your email address will not be published.