Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn, Nadine kabugan sa best actress

0 251

Nominado para sa best actress award sa 43rd Gawad Urian ang kapwa Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.

Sa kanilang official Facebook page, inanunsyo ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) ang listahan ng mga nominado.

Na-nominate si Kathryn dahil sa husay niya sa pagganap na isang Hong Kong domestic helper sa movie na “Hello, Love, Goodbye” habang si Nadine bilang Maya sa “Ulan” film.

SM food to go Banner Ad

Noong nakaraang taon, si Nadine ang nakasungkit ng best actress award para sa pelikulang “Never Not Love You”.

Siyam pang aktres ang makakatunggali nina Kathryn at Nadine para sa naturang parangal kabilang sina Bela Padilla (“Mañanita”), Alessandra de Rossi (“Lucid”), Max Eigenmann (“Verdict”), Angie Ferro (“Lola Igna”), Jean Garcia (“Watch Me Kill”), Janine Gutierrez (“Babae at Baril”), Sue Prado (“Alma Ata”), Ruby Ruiz (“Iska”) at ang pumanaw na veteran actress Anita Linda (“Circa”).
***
ROYCE TINALBUGAN SI KOKOY

Nominado naman para sa best actor award ang leading man ni Kathryn sa “Hello, Love, Goodbye” na si Alden Richards. Tinalbugan naman ni Royce Cabrera ang kanyang partner sa Fuccbois na si Kokoy de Santos dahil nominado rin siya sa Best Actor sa Gawad Urian. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.