Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn, Nadine kinabog ni Kisses

0 540

Si Kisses Delavin ang tinanghal na “Most Beautiful Woman in the Philippines” ng 2020, ayon sa online poll ng Starmometer.

Napaulat na umani ang dating “Pinoy Big Brother” housemate at ngayo’y Kapuso actress ng 2,180,769 votes.

Samantala, pumangalawa naman si Maine Mendoza (1,873,741), pangatlo si Nadine Lustre (1,406,627), at pang-apat si Kathryn Bernardo (905,596).

SM food to go Banner Ad

Si Kathryn ang nagwagi last year, habang si Kisses naman noong 2018.

Unang beses namang nakapasok sa listahan ni “Gameboys” actress Adrianna So, na nasa fifth spot.

Samantala, nakasama rin sa Top 10 sina Jennylyn Mercado, Julie Anne San Jose, Loisa Andalio, Marian Rivera, at Sanya Lopez. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.