Abante Tonite Interactive

Kathryn, Nadine mala-Nora, Vilma ang giyera

1,064

Kung ang mga panatiko nina Superstar Nora Aunor at Star For All Seasons Vilma Santos, parang hindi katanggap-tanggap na sina Vice Ganda at Paolo Ballesteros ang Millennial Nura at Millennial Velma, sa kanilang pihikang panlasa, mas swak na swak ba kung si Kathryn Bernardo at Nadine Lustre ang tanghaling bagong Nora at bagong Vilma?

Kagaya nina Ate Guy at Ate Vi, parehong petite sina Bernardo at Lustre. Parehong kayumanggi rin ang mga dalagang minamahal nina Daniel Padilla at James Reid.

Pareho ring nag-blossom na ang kanilang mga dalaga figure. Si Kathryn, mahilig sa mga off shoulder blouses to show off her sexy collar bone at minsan, may pa-cleavage na rin ito.

Si Lustre naman, swimwear line model para sa isang international clothing brand at ang kanyang pa-sexy styling, kahit pa nga parang pretty woman gone wrong, marami pa rin ang naaakit sa kanyang showing of her brown skin.

Pareho na ring tinanghal na mahuhusay na aktres sa major award-giving bodies. May Star Awards for Movies si Bernardo. Si Nadine naman, may FAMAS na, may YCC pa.

Kanino kaya mapupunta ang tropeo mula sa URIAN? Eh ang sa EDDYs, sino sa kanilang dalawa ang mag-uuwi? Sa LUNA, isa ba sa kanila ang magtatagumpay o iba naman ang magwawagi?

Hindi ba, kitang-kita na talaga ngayon na ang mga babaeng puwedeng maging mag-pinsan, half-sisters, dahil nga magkawangis ang kanilang mga mukha, eh siya palang rivals when it comes to box-office supremacy, pahusayan sa pag-arte at padamihan ng awards, huh!

Bagay na bang i-remake ang “Ikaw Ay Akin” at ang dalawa ang magbibida? Sino ang dapat maging Ate Guy? Kanino mapupunta ang katauhan ni Ate Vi?

Eh kung “T-Bird at Ako” ang gagawing pelikula, mas bagay bang lesbian si Kathryn at si Nadine ang go-go dancer? At hindi ba panahon na para pagsamahin silang dalawa sa isang pelikula with their respective partners o kaya bilang magkaaway at magkaribal?

My dear Abante Tonite readers, sino ang mas bet niyo sa dalawa? Nananalig ba kayo na si Kathryn Bernardo ang tunay na millennial Superstar at walang halong pag-iimbot at buong katapatan ba ang inyong pagsang-ayon na si Nadine Lustre ang millennial Star For All Seasons?

Finally, may mga kandidata na muli sa Philippine showbiz queenship! Panalo ang giyerang Kathryn Bernardo versus Nadine Lustre! Ravan!!!
***

Pagyakap ni Will Smith
kay Morissette kinainggitan

Sa true lang, ang bongga-bongga ni Morissette Amon, huh! Aba, ang magaling nating mang-aawit, gumora lang naman sa Land of the Rising Sun, Japan at nagka-audience kay Alan Menken at Will Smith, huh!

Hindi masyadong halata na kilig na kilig si Morissette kasi nga ang “Aladdin” composer at ang Genie lang naman ang kanyang makaka-bonding.
Ang panalo pa, sinambit ni Menken na Lea Salonga had so much good word for Morissette at yes oh yes, nag-duet pa sila.

Ang sosyal ni Amon, huh! Inglisera kung Inglisera at tama ang grammar, pati ang enunciation at pronunciation. May eme pa si Will na bago nga kumanta ang dalawa eh ang wish niyang matupad ang pag-awit ng master at marinig ang lovely voice ni Morissette.

Nahiya pa nga si Master Alan na hindi siya sure kung tama ang keys na kanyang binigay pero dahil trouper si Morissette, go pa rin ito sa pagkanta. Parang hiyang-hiya si Alan sa kanyang hindi sinasadyang pagkakamali at sa kanyang observation, “she hit some great notes.”

Sa pangyayaring ito kay Amon, hindi kaya sa dara-ting na panahon, ang boses ni Morissette ay maibibigay rin sa isang Disney princess? Ay, hindi imposible kasi nga basing it sa video clip, mukhang lasting impression ang naiwan ni Morissette sa legendary musical composer Alan Menken.

Ang pinakamalaki kong inggit kay Amon, ang magiliw na pagyakap sa kanya ni Will Smith. Bongga ang embrace! Kitang-kita rin ang paghanga ni Smith sa boses ni Amon.

Naku, Morissette. Salamat for making us all Pinoys proud kasi nga panalo ang iyong musical encounter with the Alan Menken at mas panalong-panalo ang boses mo, huh! Mabuhay ka! Mahusay ka!
***

Teejay hinahabol sa Twitter

May reaksyon kaya si Teejay Marquez sa isang Twitter post na ang pinagmulan ay isang shock jock? Ayon sa post ni shock jock, may tumawag sa kanya at diumano, may P10 million pagkakautang si Marquez at may isyu rin daw sa asong may mamahaling breed? How true?

Adding more drama, ang naghahabol kay Marquez, ex-boyfriend niya daw na London based? Ows, hindi nga?

Of course, hindi puwedeng paniwalaan agad-agad ang Twitter post na ito mula sa shock jock, huh! Asan ang mga resibo? Asan ang patotoo na may man to man relationship nga sila ni Marquez? At itong si shock jock, wala pa namang mga ebidensya, broadcasted na agad-agad? Ni hindi man lang yata nagbalak kunin ang side ni Marquez? Naku ha, tama ba ang ganito?

Bukas ang Abante Tonite sa panig ni Teejay para sa ikakalinaw ng isyu.