Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn, Nadine panis sa beauty ni Liza

0 493

Si Liza Soberano na ba ang Millennial Pictorial Queen? Sa true lang, patok na patok ang feminine cool collaboration nila ni fashion photographer BJ Pascual.

Sa true lang, lahat ng kuha ni Pascual with Soberano as her muse, talagang nagmumura ang X factor niya. Movie star and beauty queen combo kasi ang alindog at rikit ni Liza .Ang fashion references pa naman sa shoot eh si Liv Tyler at ang mga shalang models at look during the 90s. Kaya waging-wagi si Soberano, huh.

Hindi naman puwedeng itanggi na kung pagandahan rin naman, sorry na lang kina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre, Miss Number One talaga si Liza. No contest. Hindi na kailangang pagtalunan pa sa isang argument and debate class.

Mamahalin kasi ang dating ni Liza. Walang jologs vibe and when you dress and doll her up, parang dapat emotionally healthy ka all the time or else, magdadabog ang bangs mo sa insecurity.

Sana, mapagdesisyunan na ni Liza Soberano kung bet niya ring maging beauty queen. Parang siya talaga kasi ang dapat maging 5th Pinay Ms. Universe,eh.

Ngayong she is back in school, naway ang goddess of love and beauty, si Aphrodite eh bulungan na siya na panahon na para ang kanyang ganda eh sambahin universally. Hindi na sapat lang ang maging Pictorial Queen, huh! (Alwin Ignacio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.