Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn nanganganay sa shooting

0 126

NI: ARCHIE LIAO

Malaking adjustment para kay Kathryn Bernardo ang magtrabaho sa ‘new normal’ lalo pa’t nasa ilalim pa ng community quarantine ang bansa.

Pero katulad ng ibang celebrities, kailangang i-honor niya ang kanyang mga commitment kaya kailangan niyang yakapin ang maraming pagbabago mula sa nakasanayan niya sa kanyang trabaho.

Sa mga pagbabagong ito, aminado ang millennial superstar na para siyang nanganganay.

Sa latest vlog niya, ibinahagi niya ang mga protocol na kailangan nilang sundin para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Aniya, bago raw ang taping o shooting, kailangan daw nilang sumailalim sa swab test para siguraduhing malusog sila at ligtas.

Dagdag pa niya, lahat daw ng mga taong konektado sa produksyon ay kailangan ding mag-undergo ng nasabing test.

Habang nasa set, lahat daw ng tao na makakasalamuha niya lalo na iyong mag-aayos sa kanya tulad ng hairstylist, make up artist at styling assistant ay required din na magsuot ng face mask, face shield at PPE.

Bago din daw niya isuot ang mga damit, accessories at iba pang kasuotan ay dini-disinfect ang mga ito.

Bagamat hindi niya ito nakasanayan, inihahanda na raw niya ang mindset niya na ito na ang magiging buhay niya pagdating sa trabaho sa mahabang panahon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.