Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn nanghiram ng toothbrush kay DJ

0 72

Ayon kay Kathryn, never pa raw siyang nagsinungaling para lang makatakas sa trabaho.

Aminado rin siyang gumamit na siya ng toothbrush ni Daniel dahil madalas daw na nagkakapalit sila pagkat pareho raw ang kulay ng mga sepilyo nila.

Dagdag pa niya, ginagawa lang daw nila iyon sa isa’t-isa at never sa ibang tao.

May mga pagkakataon din daw na gumagamit siya ng pekeng name o alias lalo na sa online transactions para mapangalagaan ang kanyang privacy.

Inamin din niya na madalas ay nagkakalat siya o nagsusuka sa mga rides dahil siya raw iyong tipo ng taong mahiluhin.

Never pa rin daw siyang nagsinungaling sa parents niya dahil kung gagawin daw niya ito ay mabubuking din daw ito lalo na’t sobrang usi si Mama Min.

Hirit pa niya, crush daw niya ang Hollywood actor na si Ryan Gosling.

Never din niyang idinenay na inaway niya sa trabaho si DJ.

Gayunpaman, nahihilot daw naman ito lalo pa’t minsan ay napagsasabihan sila ng mga katrabaho . Sinasaway rin sila ni Direk Cathy Garcia-Molina na ayusin ang kanilang gusot para hindi maapektuhan ang kanilang trabaho.

Hirit pa niya, ang hirap din daw kasing umarte lalo na kung masaya ang scene, tapos may karga ka at ang kaeksena ay kaaway mo.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Daniel nangupit kay Karla

Sa vlog ng ABS-CBN Star Cinema, sumalang sa Never Have I Ever challenge ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ayon kay DJ, nakapagpa-tattoo na raw siya bagamat hindi niya ni-reveal kung saang parte ng katawan meron siyang tattoo.

Aminado rin siyang noong wala pa siya sa showbiz ay mahilig siyang mangupit sa kanyang nanay na si Karla Estrada para raw may maipangtustos siya sa kanyang pagco-computer.

Gayunpaman, never pa raw siyang nang-umit sa ina ng malaking halaga.

Nakapang-stalk na rin daw siya sa social media pero ito raw ay out of curiosity lang minsan and not to the point na gamitin ang social media irresponsibly.

Never pa rin daw siyang nag-gaka sa isang party dahil kahit imbitado raw siya minsan ay hindi niya napupuntahan.

Bagamat hindi mahilig magsenti, nakapanood na rin daw siya ng Kdrama tulad ng Kingdom at Crash Landing On You.

Inamin din niyang madalas ay nakakapagsinungaling daw siya sa kanyang mga magulang .Gumagawa ng alibi sa takot na hindi siya payagan sa kanyang mga lakad.

Sa tanong naman kung may niyaya na siyang babaeng pakasalan niya, never pa raw niyang nagagawa iyon sa sinuman o kay Kathryn.

Leave A Reply

Your email address will not be published.