Abante Tonite Interactive

Kathryn napaibig na naman ni Daniel

551

Nagpakilig na naman si Kathryn Bernardo sa KathNiel fans nila ni Daniel Padilla nang ikuwento niya sa kanyang Instagram account kung gaano ka-sweet ang boyfriend sa nakaraang ABS-CBN Ball 2019.

Kuwento ni Kathryn, nagpadala pa raw ng napakaraming bouquet of flowers si Daniel sa kanyang hotel room at makikita naman sa larawang ipinost ng aktres ang mga bulaklak.

“He knows how much I love receiving flowers but I didn’t expect to be showered with so many bouquets waiting for me at my hotel room. This guy knows exactly how to make me fall in love again and again!” bungad ng caption ni Kathryn.

Ayon pa sa aktres, 8th ball na raw nila ito ni Daniel together at hindi raw nagbabago ang boyfriend.

“This is our 8th ball together and it amazes me how he doesn’t change at all. In fact, he just keeps getting better and better each year!

“Someone who makes an effort to pull a surprise for me, someone who holds my hand on the red carpet (and sometimes even fixes my dress lol), and someone who takes care of me until after the party’s over—I honestly could NEVER ask for a better date,” saad pa ng caption ni Kath.

Pati ang mga kapwa-artista ay kinilig din sa post ng aktres at nagsipag-comment.

Sabi ni Mariel Rodriguez-Padilla, “aww happy for you!!!”

“Sweet,” komento naman ni Ruffa Gutierrez.

Reaksyon naman ni Sarah Lahbati, “grabeeeee!”

Nag-react din sina Maymay Entrata, Loisa Andalio, Ria Atayde, Miles Ocampo, Say Alonzo, Lovely Abella, Charlene Gonzales, etcetera.

Isa ang KathNiel sa love teams na talaga namang taon-taon ay inaabangan sa nasabing Kapamilya ball. And every year, talaga rin namang lagi silang pinagpipistahan ng netizens sa naturang event lalo na nga ang suot and looks nila.

Kim de Leon naisalba ang bahay

Hindi napigilang maging emosyonal ng “StarStruck” Ultimate Male Survivor na si Kim de Leon nang makapanayam namin last Sunday after the Final Judgment.

Ayon kay Kim, noong una pa man ay wala siyang expectation at ang laging nasa isip niya, win or lose ay itutuloy-tuloy niya pa rin ang pagpasok sa showbiz.

Pero higit pa nga sa inaasahan niya ang kanyang natamo kaya naman labis ang kanyang pasasalamat.

“Hindi na namin po ibebenta ang bahay sa Batangas and hindi na kami magtitiis sa maliit na dorm lang na tinitirhan po namin, kaya sobrang malaking tulong po sa akin,” ani Kim.

Ayon naman kay Shayne Sava na itinanghal na Ultimate Female Survivor ay hindi rin daw niya ine-expect na manalo dahil magaling din naman daw ang nakalabang si Lexi Gonzales.

“Pero lagi ko pong pinagdarasal na sana po, ako po ‘yung tanghaling Ultimate Female Survivor para matulungan ko po ‘yung pamilya ko. Para makamit ko po ang lahat ng pangarap ko. At natupad po,” wika ni Shayne.

When asked kung ano ang gagawin nila sa 1M cash prize na napanalunan, ani Kim ay ipapaayos daw niya ang bahay nila sa Batangas at hindi na nila ibebenta.

“Sa family po siyempre, and puhunan po para sa sarili ko, sa pagi-start dito sa showbiz, and ayun po, siguro, ipapaayos ko ‘yung bahay sa Batangas, hindi ko na ibebenta,” naiiyak na sabi ni Kim.

Ibinebenta raw sana nila ang bahay para pambayad sa mga utang at sa mga gastusin sa kanya. Sobrang mahalaga raw sa kanya ang bahay na ‘yun dahil doon siya lumaki’t marami siyang magagandang alaala.

Si Shayne naman ay itutulong niya rin daw sa pamilya ang napanalunan, sa tuition fee ng kapatid at plano rin niyang mag-aral.

Bukod sa 1M cash, parte rin ng premyo nila ang 5M worth of management contract sa naturang istasyon at house and lot.

Kylie ‘di type ang long hair ni Jake

Inamin na nina Kylie Verzosa at Jake Cuenca ang kanilang relasyon sa “Tonight With Boy Abunda” aired last Monday. When asked kung officially together na ba sila, hindi na nakapag-deny pa ang dalawa.

Hinawakan ni Jake ang kamay ni Kylie sabay amin na, “yeah, we are, yes, oo naman.”

Sey naman ni Kylie, “hindi pa ba obvious?”

Nang tanungin ng host na si Boy Abunda kung paano nagsimula ang kanilang love story, kuwento ni Kylie ay una raw silang nagkakilala ni Jake sa set ng “Panday”.

“And actually, hindi ko siya type nu’n, kasi long hair,” sey ni Kylie.

And then, kuwento ni Jake pinapadalhan daw niya ng mensahe si Kylie sa direct message nito sa social media pero “seen” mode lang daw siya at hindi raw siya sinasagot.

Pero alam daw niya in his heart na magkakatrabaho rin sila at dumating nga ang time na ito sa “Los Bastardos”. Doon daw sila nagsimulang maging magkaibigan muna.

“We became friends first. We had a solid foundation of friendship first,” saad ni Jake.