Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn nasarapan kay Daniel

0 631

NI: VINIA VIVAR

Sa nasabing Facebook live pa rin ng Pantawid ng Pag-ibig, magkasama namang na-interview sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kaya tuwang-tuwa ang kanilang mga fan na tila ngayon lang sila nakitang magkasama sa isang frame.

Natanong din sila kung ano ang mga na-miss nila, ani Daniel ay ang pagkain nila ng sabay sa labas. Na-miss din daw nila ang dagat. Sey ni Kathryn, pagkatapos daw ng lahat ng ito ay, magbi-beach daw agad sila.

Tulad ni Liza na ipinagluluto si Quen, ganu’n din si Kathryn kay Daniel at sey nga ng aktres, napakasarap ipagluto ni DJ dahil lahat ng iluto niya ay masarap para sa boyfriend.

May netizen naman na nagtanong kung ano ang pangarap nila sa isa’t isa at ayon sa KathNiel, dream nilang magpagawa ng kanilang bahay in the future pero nilinaw naman nilang hindi pa naman mangyayari anytime soon dahil masyado pang maaga ngayon.

“At saka dream namin kasi ni DJ na magkaroon ng breakfast place, ako ‘yung magma-manage nu’n, ako ‘yung magluluto, gagawa ako ng mga rice bowls tapos siya, tutugtog-tugtog lang siya ru’n. Dream ko kasi, magkaroon ng parang boutique hotel at farm,” sabi ni Kathryn.

Leave A Reply

Your email address will not be published.