Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn naunsyami ang tipar

0 314

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanyang vlog na Everything Kath, ibinahagi ni Kathryn Bernardo kung paano naging makahulugan ang kanyang kaarawan noong Marso 26.

Dahil 25 years old na siya at nagseselebra ng quarterlife, balak talaga niya na mag-out of town kasama ang kanyang pamilya, mga kaibigan at ang kanyang team.

Kaso dahil sa lumolobong kaso ng Covid-19 , hindi raw natuloy ang nasabing plano.

Second option daw nila ay mag-tipar with small circle of friends sa Baguio.

Katunayan, may reservation na raw sila sa rerentahang cabin subalit dahil sa pandemya, nakansela raw ito sa last minute.

Dahil din sa pagsipa ng coronavirus at sa ipinatutupad na travel restrictions, nabulilyaso rin daw ito.

Bagamat nalulungkot siya na nadiskaril ang kanyang plano, nagpapasalamat pa rin siya dahil sa mga blessings na patuloy niya natatanggap.

Ito raw ang ikalawang pagkakataon na hindi siya nakapag-celebrate ng birthday niya dala ng pandemya.

Gayunpaman, inalo raw naman siya ng kasintahang si Daniel Padilla lalo pa’t hindi lang naman siya ang nakakaranas ng ganoong pagkaunsyami dahil sa Covid-19.

Sobrang selfish daw naman kung sarili lang niya ang iisipin sa panahong nahaharap ang bansa sa matinding pagsubok.

Anyway, thankful si Kathryn dahil sa regalo sa kanya : isang video compilation ng mga taong bumati sa kanya sa kanyang kaarawan.

Maliban sa mga bossing ng ABS-CBN, kasama sa well-wishers ng aktres sina Denise Laurel, Joross Gamboa, Kakai Bautista, Miles Ocampo, Gardo Versoza, Ruffa Gutierrez, Arlene Muhlach, Alora Sassam at marami pang iba.

Leave A Reply

Your email address will not be published.