Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn niregaluhan ng sobrang mahal ni Daniel

0 294

NI: ARCHIE LIAO

Ibinandera ni Kathryn Bernardo ang ilan sa kanyang mga paboritong designer bags na bahagi ng kanyang koleksyon sa kanyang vlog.

Inilahad din niya kung bakit gusto niya ang mga bag na ipinakita sa latest edition ng kanyang channel.

Kabilang sa mga bag na ibinida ng aktres ay ang unang designer bag na kanyang binili para sa kanyang sarili.

Aniya, pinag-ipunan daw talaga niya ang nasabing designer bag.

Ibinahagi rin niya na kulay pula ang kanyang napili dahil attracted siya sa ganitong kulay.

Payo naman ng kanyang tagapanood, pumili raw siya ng bag na neutral ang kulay kagaya ng itim at puti para swak gamitin sa anumang okasyon.

Ipinasilip din niya ang designer bag na bigay sa kanya ng kasintahang si Daniel at pati ng ina nitong si Karla.

Sey ng aktres, isa raw ang regalo ni DJ sa pinakapaborito niya.

Dagdag pa niya, may sentimental value raw ito sa kanya.

Hirit pa niya, mas nag-invest daw siya sa bag kesa sa sapatos.

May netizens namang nang-intriga na kaya raw hindi sa sapatos nag-invest ang young actress ay dahil sakang daw ito Ayaw mapansin o ma-highlight ang kanyang legs.

Pagtatanggol naman ng ilan, tama raw ang ginawa ni Kathryn dahil mas viable raw na investment ang designer bags kesa sapatos.

Katunayan, para sa kanila,praktikal at wise lady si Kat dahil pinipili lang niya ang designer bags na bibilhin . Hindi basta ginagasta ang pera sa anumang imported items.

May ilang namang pumusta na kung magdi-dispose raw ang aktres ng kanyang designer bags, never nitong pakakawalan ang regalo sa kanya ni DJ na anilaý sobrang mahal sa dalaga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.