Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn sinungitan si Daniel

0 269

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanyang YouTube channel, nagpakatotoo ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo nang sagutin niya ang ilang impresyon sa kanya ng mga faney.

Sa episode kasi na “Reading Assumptions About Me”, isa sa mga in-address niya ay ang public perception na may pagka-masungit siya.

“Next is, you are a hot-headed person. Gets mad very easily,” pagbabasa niya.

Sandaling nanahimik si Kathryn at tinimbang ang sarili sa nasabing assumption sa kanya.

After a while, saka niya sinagot ang nabanggit na impresyon sa kanya.

“Yeah, I think I’m a hot-headed person. Let’s be honest here, mainitin ang ulo ko. Actually, I don’t like that about me. Very impatient ako, especially tayong mga girls, if it’s time of the month. Extra mainitin yung ulo, nai-stress ako. Yung pasensya ko ganito na, liliit pa yan,” paglalahad niya.

Gayunpaman, sinabi niya na ang ugaling ito ang isa sa mga kinaiinisan niya sa sarili.

“I don’t know bakit ganyan, alam kong hindi siya maganda. Pero may mga days na mabait naman ako pero pag ‘yung time of the month na yun, girl wag mo talaga akong pikunin kasi magiging dragon talaga ako,” paliwanag niya.

Umani naman ng paghanga ang aktres sa kanyang pagpapakatotoo sa kanyang followers.

May ilan namang nagsabing tiklop si Daniel kapag sinusungitan siya ni Kathryn.

Leave A Reply

Your email address will not be published.