Abante Tonite Interactive

Kathryn threat kay Alex

961

Tila nagbabantang mangabog si Kathryn Bernardo sa YouTube ngayong pinasok na rin ng Teen Queen ang vlogging world.

Grabe talaga, pati mga superstar ngayon, YouTuber na rin. Nauna na si Kath, so baka sa susunod, si Daniel Padilla na rin. Tapos, JaDine? Tapos, LizQuen?!

As expected ay sobrang lakas ng YT channel ni Kathryn na Everyday Kath. Intro video pa lang na ni-launch niya nu’ng January 3 ay 1.8 million agad ang views after 3 days.

Kaya ayun, sa tuwa ni Kath, ‘yung first vlog niya na Iceland adventure nila ni Daniel na next week niya pa dapat ipu-post ay in-upload na niya agad.

“Your warm welcome on YouTube had me feeling extra excited to share more content with you guys,” sey ng Kapamilya superstar sa kanyang IG post.

Ang cute ng adventure nilang magsyota at naaaliw din si Daniel na nagba-vlog na ang kanyang girlfie.

Natuwa si Kath na nakapag-grocery sila roon sa Iceland na hindi raw nila nagagawa sa ‘Pinas.

Sey ni Kath, she has so much respect now sa mga vlogger dahil naranasan niya mismo kung gaano kahirap mag-document ng lahat ng ginagawa mo.

Sa pinuntahan nilang falls ay basa-basa na siya pero nagba-vlog pa rin siya. Ang cute dahil may mga hirit din si Daniel at ito ang taga-shoot ng spiels ni Kath.

“Hayop, English! Ha! Ha! Ha!” tawa ng binata after mag-spiel ng kanyang nobya.

Ang daming lakaran at akyatan ng Iceland adventure nilang ‘yon, pero enjoy ang KathNiel.

May cave doon sa may beach na pinagsyutingan ng “Game of Thrones” na favorite ni Kath kaya na-excite ito.

Ang sarap panoorin ng mag-sweetheart dahil may mga moment na para lang silang mga batang naglalaro.

Nu’ng Day 3 ay nalaman ni Kath na naiwan niya ang kanyang earrings, pero positive pa rin siya at in-enjoy nila ng kanyang mahal ang hiking nila sa isa pang falls.

10 days nilang in-explore ang Iceland at part 1 pa lang ‘yung na-post ni Kath. In just 2 days ay naka-1.3M views na agad ‘yon.

And as of kahapon ay mahigit 640K na agad (and counting) ang subscribers ni Kath in just 4 days.

Ang dami niyang tinalbugang celebrities na nauna sa kanyang mag-YouTube. Isa na rito si Kris Aquino na ang 3-year-old YT channel ay 625K ang subscribers.

Mukhang may bagong threat sa pagrereyna ni Alex Gonzaga sa YouTube dahil sa pag-entra ni Kath.

Sa loob ng mahigit dalawang taon ay meron nang 5.44M subs si Alex, na isa sa biggest-earning YouTubers sa Pilipinas. Hindi malayong maabutan at malampasan pa ‘yon ni Kathryn.

PAK!!

Ex ni Sarah dadalo sa kasal ng AshMatt

Isa si Matteo Guidicelli sa mga groomsmen sa kasal kamakailan ni Rodjun Cruz kay Dianne Medina.

Kuwento ni Rayver Cruz nang matsika namin ito, sobrang close sa kanilang magkapatid si Matteo dahil mga bagets pa sila ay kaibigan na nila ito.

May grupo raw kasi sila na South boys at maliit lang ang community nila sa South (as in Parañaque, Las Piñas, Alabang area) kaya sila close.

Mas naging close pa sila ni Matty nang magkatrabaho sila sa Kapamilya teleseryeng “Bagani”, pero go-karting days pa lang daw nito at hindi pa artista ay kilala na nila ito.

As we all know ay may common denominator sila ni Matt dahil ex-GF ni Ray ang fiancée nito na si Sarah Geronimo.

Hindi raw nila napag-usapan ‘yon, pero kinongratuleyt daw ni Rayver si Matteo sa engagement nito kay Sarah.

“For sure, invited ako du’n (sa kasal). Si Matt pa? Ang tagal-tagal na nu’n eh (‘yung past nila ni Sarah), parang dekada na ‘yan, eh,” napapangiting pakli ni Ray.

So, a-attend siya sa AshMatt wedding?

“Oo, ‘pag in-invite ako ni Matt, a-attend ako.”

Hindi magiging awkward?

“Hindi, never. Kahit tanungin mo siya (Matty), hindi.”

Ani Ray, hindi pa sila nagkikita ni Sarah na kasama nito si Matt, pero ‘pag nagkita raw sila ni Sarah ay okey daw sila.

“Huwag mo nang lagyan ng ano, kasi wala. Ang tagal na nu’n, ang babata pa namin nu’n,” hirit sa amin ng Kapuso hunk.

Dahil ikinasal na ang kuya niyang si Rodjun, hindi raw ibig sabihin nu’n ay susunod na agad si Rayver at ang nobya niyang si Janine Gutierrez.

“Pa-enjoy-in muna natin si Rodjun ng married life niya. Matagal-tagal pa ako. Mag-o-‘AOS’ muna ako! Ha! Ha! Ha!”