Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kathryn tinanggi retokadong ilong

0 196

NI: VINIA VIVAR

Sinagot ni Kathryn Bernardo ang matagal nang katanungan ng mga intrigero kung nagparetoke raw ba siya ng ilong.

Sa YouTube vlog ni Dr. Aivee Teo kung saan ay featured si Kathryn, inamin ng celebrity doctor na noon pa raw ay marami nagtatanong sa kanya kung nagparetoke ba ng ilong ang aktres.

“It’s a common question ha, they would ask me, ‘parang Kath had her nose done kasi parang her nose is not the same.’ But I would always say, ‘no!’ And I think it’s a good time to clarify it. The people are asking ang they’re so intrigued. Bakit daw ‘yung nose mo gumanda,” sabi ng celebrity doctor.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Kathryn ay hindi raw siya talaga nagpatangos at happy naman daw siya sa kanyang nose.

“Si Doc Aivee, hindi ka naman niya pipilitin to do something if you’re not comfortable with it and I’m happy with my nose. Siguro lang when I got thinner and medyo tumanda, kaya siya lumiit,” she said.

Aniya pa, “I swear, si Doc Aivee walang ginawa sa nose ko or any doctors before Doc Aivee, just to be clear.”

Pero nilinaw din ng aktres na wala naman daw problema kung gustong magparetoke ng ibang tao.

But if you want to have surgery, wala rin namang problem doon. Go to Aivee, si Doc na ang bahala. But for me, no. It’s all natural,” sey ni Kath

Leave A Reply

Your email address will not be published.